Elmo Magalona, maghihintay para kay Janella Salvador!

ADVERTISING

Elmo Magalona, maghihintay para kay Janella Salvador!

Elmo Magalona, maghihintay para kay Janella Salvador!
Janella Salvador and Elmo Magalona

IBA DIN talaga itong si Elmo Magalona kung magpaandar sa kapareha na si Janella Salvador.

ADVERTISING

Hindi man nila inaamin ng dalaga na sila na talaga ang magkarelasyon na until now ay nakabitin ang media at ilusyon ng mga fans & supporters nila, pampapogi points ang very gentleman act ng binata. Kahit tapos na ang mga eksena niya at pwede nang umuwi para magpahinga, talagang effort na hinihintay niya si Janella para sabay na silang umuwi.

 

Sa exclusive interview namin kay Elmo after the open forum of their film na “Bloody Crayons”; sinabi ng binata sa amin na “I always wanted her to be safe,” panimula niya sa short tsikahan namin sa isang sulok ng Dolphy’s Theater ng ABS-CBN.

ADVERTISING

 

Is it for the promo reason kung bakit ginagawa niya ito? :” No. I just want to do it. Pero if I have appointments naman I can leave ahead. Okey lang. But kung wala, I prefer to wait,” sabi ng binata sa amin.
Sa open forum, openly inamin niya sa presscon na he wants Janella to be happy. “Gusto ko palagi siyang masaya,” reason kung bakit all smile palagi ang dalaga na kakaiba ang ngiti nang marinig na proudly ipinangalandakan ito ng binata sa media na dumalo sa kanilang grand presscon.
Sa ngayon, hindi pa yata allowed mag-boyfie si Janella at bawal pa. Ang alam ko may usapan sina Janella at ng mom niya na si Janine Desiderio kung kalian siya pupwede mag-boyfriend.

 

Elmo Magalona, maghihintay para kay Janella Salvador!
Elmo Magalona as Kiko and Janella Salvador as Eunice in Bloody Crayons

 “Wala naman pong sinasabi ang mom niya na bawal. I think it’s her decision kung bakit hindi pa niya ako sinasagot. Matiyaga naman po ako,” at napangiti si Elmo sa kuwento niya.
 Sa pagtitiyaga ng binata sa pagbabantay at pag-aalaga kay Janella, kung ikaw ang future mother-in law ng binata ay sigurado na kampante at secured ka sa magiging future manugang mo.

 

Sa July12 na ang showing ng suspense –thriller film nina Elmo at Janella, kung saan makakasama ng dalawa sina Sofia Andres, Diego Loyzaga, Mariz Racal, Jane Oineza, Yvez Flores, Empoy Marquez at Ronnie Alonte mula sa Star Cinema.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING