Elmo Magalona at Janine Gutierrez, bad example sa kabataan?

ADVERTISING

Elmo Magalona at Janine Gutierrez, bad example sa kabataan?

Janine-Gutierrez-Elmo-MagalonaINIINTRIGA SINA Elmo Magalona and Janine Gutierrez, bad examples daw sila sa mga kabataan.

Of late, Elmo and Janine’s picture showing them na merong hawak na bote ng beer circulated on social media. Kuha yata sa isang party ang photo na iyon where they were with Slater Young, Vice Ganda, Billy Crawford and Coleen Garcia. Halatang nakainom ang grupo which is understandable naman kasi nga meron yatang okasyon.

But the photo of Janine and Elmo holding a bottle of beer was met with criticisms. Hindi raw sila magandang ehemplo sa mga kabataan.

We read na nag-deny na ang kampo ni Elmo. Parang pineke lang ang photo at nilagyan ng alak ang mga kamay nila to make it appear na umiinom sila.

ADVERTISING

There’s one photo also which surfaced sa isang popular website where the couple was photographed while walking at the Hong Kong Disneyland park.

Galit na galit ang isang female fan because she requested a picture with Elmo pero tila nagbingi-bingihan ang actor sa kanyang photo-op request. To get even, she posted the photo of Elmo and Janine on her Facebook account at tinarayan niya ang dalawa sa caption.

Sa fan, siguro ay masyado kang nasaktan dahil hindi ka pinagbigyan but what you did was not right. Eh, ano kung hindi ka pinagbigyan sa request mo ng picture with Elmo, ikamamamatay mo ba ‘yon? You must respect Elmo’s decision, siguro ay ayaw niyang maistorbo sa pamamamasyal.

Ang mga Pinoy kasi, makakita lang ng celebrity ay automatic magpapa-picture na. Wala silang keber kung nasa mood o wala ang idol nila. At pagkatapos, ipo-post nila ito sa kanilang Facebook or Twitter account para palabasing sikat sila. That’s how idiotically funny they are!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING