Elmo Magalona at Janine Gutierrez, may hatid na excitement ang bagong serye

ADVERTISING

Elmo Magalona at Janine Gutierrez, may hatid na excitement ang bagong serye

Janine-Gutierrez-Elmo-MagalonaEWAN KO kung bakit ako excited na mapanood ang drama series na More Than Words na ang mga bida ay ang magdyowang sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez.

Pero alam n’yo ba ang nakadagdag na puntos ay ang pagbabalik-tambalan nina Leni Santos at Rey PJ Abellana? Sumikat naman kasi ang kanilang tambalan nu’ng dekada ‘80.

Kaya isa kami sa may kilig factor. Naging balik fan ang inyong lingkod sa dalawa. Ayaw ng kanilang programang “Annaliza” noong araw.

Sana nga ay ito na ang simula at maging aktibo na rin si Leni Santos na ang flawless pa rin ngayon.

ADVERTISING

Napapanahon sa ngayon ang pagbabalikan ng mga artista noong 80’s at 90’s.

Ibig sabihin nito ay bongga pa rin ang showbiz, mapapelikula at telebisyon.

‘Yun na…

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING