Elmo Magalona and Janella Salvador: Add COLOR to my WORLD with your LOVE!

ADVERTISING
Elmo Magalona and Janella Salvador: Add COLOR to my WORLD with your LOVE!
ELNELLA: Elmo Magalona and Janella Salvador

ELMO MAGALONA

Real Name: Elmo Moises Arroyo Magalona

Birthdate: April 27, 1994

Zodiac Sign: Taurus

JANELLA SALVADOR

ADVERTISING

Janella Maxine Desiderio Salvador

Birthdate: March 30, 1998

Zodiac Sign: Aries

MATAGAL-TAGAL nang namaalam sa ere ang teleseryeng ‘Born for You’, pero ang diumano’y namumuong pagtitinginan sa pagitan nina Elmo Magalona at Janella Salvador ay lalo raw bumo-bongga, huh!

Hindi pa namin sure kung tuloy ang teleserye nila with Joshua Garcia, pero no need for ElNella fans na mag-cry o mag-protesta dahil ang dalawa ang naging final stars ng upcoming barkada thriller movie na Bloody Crayons, which will be shown in July 12. Mas katakot-takot ang possibility na hindi ito mapalabas dahil three years in the making itey!

Anyway, hudyat na kaya ang constant projects ng ElNella para masabi natin na they’re born for each other? Meron din kasi silang upcoming fantasy film naman na intended for MMFF 2017! Ano, check natin?

Ang Aries ay natural na gustong madaliin ang mga bagay-bagay habang ang Taurus naman ay mas bet to take things slowly but surely. Dahil dito, may tendency na nata-trap dahil sa pagiging impulsive ang Aries habang ang Taurus naman ay madalas na may ‘sinabi ko na sa’yo eh!’ attitude. Dahil sa pagkakasalungat na ito, maaari itong maging ugat ng problema pagdating sa relasyon.

Kung matuto ang potential lovers na mag-adjust at mag-balanse sa trip ng isa’t isa, pwede naman mag-work ang relasyong ito. Ang Taurus ay likas na stable at sinisigurado nila na pinag-isipan ang bawat daan na tatahakin, which can help influence Aries na hinay-hinay din at huwag masyadong impulsive. May mga pagkakataon naman na maba-badtrip ang Aries sa Taurus dahil pakiramdam niya ay super serious ng ka-partner sa lahat ng bagay. Enjoy enjoy nga rin naman kasi, huh!

Pag-unawa at gabay lang po ang kailangan! Hek-hek!

Ang Taurus man ay likas na taong bahay at maibibigay niya ang warmth and comfort na kailangan ng Aries. Mas fun and outgoing naman ang Aries compared sa Taurus. Puwede rin silang mag-away sa usaping pera. ‘Spend, spend, spend’ ang motto ng Aries habang ‘save, save save’ naman si Taurus. Basta hindi hayaan ng Taurus na ang pagiging seryoso niya sa buhay ay makaapekto sa free-spirited Aries, may potential naman po.

Ayun na! Mukhang may chance naman pala talaga sa love ang ElNella! Time to add some color in each other’s lives! Ano kaya ang masesey nina Marlo Mortel at Julie Anne San Jose? Char lang!

 

Pares-Pares

By Madam DaminElmo Magalona and Janella Salvador: Add COLOR to my WORLD with your LOVE!

ADVERTISING