Elmo Magalona, itinangging GF si Lauren Young!

ADVERTISING

Elmo Magalona, itinangging GF si Lauren Young!

Elmo Magalona, itinangging GF si Lauren Young!FOR THE first time, Julie Anne San Jose and Elmo Magalona mark their first bigscreen team-up via the GMA Films offering Just One Summer. This romantic movie ay kuwento ng buhay ng dalawang bida na matatagpuan at madarama ang tamis ng pagmamahalan sa panahon ng tag-araw. Sinasabing today’s hottest and most in-demand loveteam sina Julie at Elmo. Pinatunayan nila ito sa advance screening ng kanilang pelikula sa SM Megamall last Monday. Hindi naging hadlang ang bagyong ‘Helen’ para saksihan ng kanilang fans ang first movie nila together.

ADVERTISING

Sa loob ng sinehan, nakabibinging tilian ng fans tuwing lalabas on the big screen sina Elmo at Julie. Pagpapatunay lamang na may chemistry ang dalawa at may kilig factor sila sa manonood. Walang duda, super hit sa box-office ang team-up nila. Maging kami’y naaliw sa panonood sa mga eksena nina Julie at Elmo. Natural ang kanilang kilos at galaw pati pagbitiw ng dialogue. Plus the fact,may katuturan ang bawat eksena nila. Swak ang mga character nina Cherry Pie Picache, Alice Dixson at Joel Torre na nagbigay-kulay sa pelikula.

Hindi gawang biro ang pinagdaanan ni Elmo para mapaghandaan ang character niya bilang si Nyel. This time, bida na siya at napi-pressure ang young actor sa kalalabasan ng pelikula nila ni Julie. “Nag-workshop po kami before doing the film. Maging sa set mismo, may acting coach na nagtuturo sa amin ni Julie para mabigyan namin ng justice ‘yung role na ginagampanan namin sa pelikula. May halong kaba at nerbiyos po ako. Alam ko sa sarili ko, ginawa ko ‘yung best for this movie. Wish ko lang, magustuhan ng manonood ang movie namin ni Julie,” say ng binata.

Hindi kaya mauwi to something ang pagiging close nina Julie at Elmo na pinapangarap ng kanilang mga fans? “I don’t know yet, it’s to early to tell. We’re good friends at ini-enjoy namin ang friendship na mayroon kami sa ngayon. Masarap katrabaho si Julie at relax na kami sa isa’t isa while doing the film. Hindi nahirapan si Direk Mac (Alejandre) idirek kami ni Julie. Nakukuha agad namin ni Julie ang gusto ni Direk sa bawat eksena namin dalawa,” wika niya.

ADVERTISING

Kahit mga baguhan pa lang sa larangan ng pag-arte sina Julie at Elmo, mararamdaman mong may kakayahan silang parehong maging mahusay na artista. Lalo na ‘yung dramatic scene ni Elmo with Joel at Alice, tumutulo ang luha habang nagda-dialogue. Hindi lang maga-ling na singer si Elmo, he can be a good dramatic actor in the near future. Maging ‘yung eksena ni Julie with her tatay Boboy Garovillo, very impressive.

Inamin ni Elmo na never pa raw siyang nagka-girlfriend kahit eighteen years old na ang binata. First kiss experience, niya sa non-showbiz girl. “That’s true, it’s just a kiss, walang feeling. Never pa akong nagkaroon ng serious relationship kahit kanino. May mga fling lang outside showbiz pero nothing serious. Hindi pa siguro ako ready magka-girlfriend. Ang concentration ko kasi ngayon nasa trabaho so, focus muna sa work. Hindi ko muna binibigyang-pansin ang mga bagay na ‘yan,” aniya.

Teka, paano na si Lauren Young na napapabalitang girlfriend ngayon ni Elmo at may tsikang lilipat na raw ito sa Kapuso Network? Super deny ang binata, na hindi niya dyowa ang dalaga, friends lang daw sila. “Yes, we’re close pero as friends lang kami ni Lauren. We go out pero may mga kasama kaming friends… ‘yun, ”paglilinaw ni Elmo Magalona.

Hindi kami kumbinsido sa kanyang naging pahayag tungkol sa kanila ni Lauren. Marami ang nagpapatunay na totoong mayroong namamagitan sa kanilang dalawa.

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING