Elmo Magalona, ‘di magawang alagaan ang love team nila ni Julie Anne San Jose!

ADVERTISING

 Elmo Magalona, ‘di magawang alagaan ang love team nila ni Julie Anne San Jose!

 Elmo Magalona, ‘di magawang alagaan ang love team nila ni Julie Anne San Jose! DAPAT SIGURONG mag-usap ang mag-inang Lexi at Maritoni Fernandez. Hindi kasi magkatulad ang kanilang mga statement tungkol sa pagkakaroon ng boyfriend ng una.

ADVERTISING

Sabi ni Maritoni ay nag-break na ang anak niya at si Jake Vargas. Actually, hindi naman niya na-feel na masyadong na-hurt ang kanyang dalagitang anak dahil ganoon pa rin naman ito.

Sabi pa ni Maritoni, hindi naman niya talaga feel si Jake dahil hindi ito katangkaran. Parang she wants somebody na kasing tangkad din ni Lexi.

On the other hand, itinatanggi naman ni Lexi na may break-up na nangyari sa kanila ni Jake. She maintains that they’re only friends.

ADVERTISING

Ano ba ang totoo? Maybe isa sa inyo should straighten the records. Obviously, may hindi nagsasabi ng totoo sa mag-ina. Kung da who siya, sila lang na mag-ina ang nakakaalam.

 

NAKAKATAWA ANG pilit na pilit na pagli-link kina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose.

Magka-love team ang dalawang bagets at may movie silang malapit nang ipalabas. So, kailangang magkunwari ang dalawa na sweet-sweet-an para sa kanilang fans.

Sa isang interview ay si-nabi ni Julie Anne na hindi niya sasagutin si Elmo kapag nanligaw ito. Ang nakakatawa, hindi niya masabi na may girlfriend na kasi ito at siyempre ayaw niyang maging third wheel lang, ‘no!

Si Lauren Young ang sinasabing girlfriend ni Elmo. Nasa-bi nga ni Julie Anne na may girlfriend na ang kanyang ka-love team but she refused to reveal her name.

So, ngayon pa lang ay tila sira na ang love team nina Elmo at Julie Anne. Halata kasing peke ang kanilang sweetness kasi nga may GF na si Elmo.

 Elmo Magalona, ‘di magawang alagaan ang love team nila ni Julie Anne San Jose!

Mukhang walang magawa ang GMA-7 kay Elmo. Kahit na ano ang pasabi nilang alagaan ang love team nila ni Julie Anne ay deadma lang ang binata at talagang kinakaray-karay ang GF na si Lauren sa mga lakaran.

 

CERTIFIED FLOP Star si Rhian Ramos matapos mag-flopsina ng movie niya kamakailan.

Tinalo pa  ng  movie  nina  Erich Gonzales at Derek Ramsay na Corazon: Ang Unang Aswang ang My Kontrabida Girl sa takil-ya. Nagbigay pa nga ng victory party ang producer ng movie nina Derek, meaning, kumita ang movie nila.

Kahit tila na wala nang appeal sa fans si Rhian ay hindi siya mawawalan ng assignment. GMA-7 is still going to give her a new soap. Ganoon sila kasalampataya sa kakayahan ni Rhian.

What has she done to deserve this? Nothing!
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING