Elmo Magalona, ayaw madaliin si Janella Salvador na makipagrelasyon

ADVERTISING

Elmo Magalona, ayaw madaliin si Janella Salvador na makipagrelasyon

Elmo Magalona, ayaw madaliin si Janella Salvador na makipagrelasyon
Elmo Magalona

IGINIIT din ni Elmo Magalona na ayaw niyang madaliin si Janella Salvador pagdating sa love.

ADVERTISING

Ayon sa leading man ni Janella sa Valentine movie ng Regal Entertainment na My Fairy Tail Love Story, handa naman siyang maghintay kung kailan ready ang dalaga.

Aniya,  “Ako, I just keep on telling naman Janella na it would have to depend on her. Na kung pwede na siya, kasi like I’ve said, I’m not really here in a rush. Saka I’m just really happy na nakakatrabaho ko pa rin siya,” sabi pa ni Elmo.

Nag-worry din nang husto si Elmo nang magkasakit si Janella kamakailan lang at tamaan ng viral infection.

ADVERTISING

During those times na may sakit ang ka-love team, talaga namang siya ang nag-alaga rito na ikina-touch ni Janella.

Elmo Magalona, ayaw madaliin si Janella Salvador na makipagrelasyon
Elmo Magalona and Janella Salvador

“I just really care for Janella na ayaw ko siyang makitang may sakit, ayaw ko siyang nakikitang ganito, kasi I know her, she’s super full of life.

“She’s super-cheerful and for me to see her na ganito siya, parang it’s hard for me to see it kasi sanay ako sa kanya na parang… siyempre, ang dami na naming times na nag-work together and mahirap to see her like that.

“So, whatever I can do para mawala na ‘yung sakit niya, I’ll do it,” kuwento pa ng binata.

Ang My Fairy Tail Love Story ay showing na on Feb. 14.  The film is under the direction of Perci Intalan at kasama rin sa pelikula sina Kiray Celis, Kiko Estrada,  Dimples Romana, Dominic Ochoa, Kakai Bautista at marami pang iba.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING