Elmo Magalona at Julie Anne San Jose, sumemplang!

ADVERTISING

Elmo Magalona at Julie Anne San Jose, sumemplang!

Elmo Magalona at Julie Anne San Jose, sumemplang!

ZSA ZSA Padilla was not able to make it to her former partner Dolphy’s 40 days at the Heritage Park last Saturday. Linggo, August 12, when the Divine Diva left for the US para kumuha ng second opinion tungkol sa kanyang “distended” (o magang) kidney which was earlier diagnosed na tinubuan ng tumor the size of a pingpong ball.

Nitong Sabado, inihabol ng Startalk TX ang coverage nito sa 40 days ng Comedy King with Eric Quizon, as usual, being the punong-abala. Supposedly, the show would have had its host Ricky Lo in a phone patch interview with Zsa Zsa (na nasa US pa rin), but efforts failed for some reason.

Within a few hours, Startalk TX’s web page posted the news about Zsa Zsa’s having a kidney cancer Stage 1. Sa darating na Martes, August 28, ang naka-takdang operasyon ng singer sa Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles.

ADVERTISING

For sure, the world is one in praying for Zsa Zsa’s condition to get better. July 10—halos kailan lang—nang mamaalam ang kanyang partner due to Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD), and here comes another trial in Zsa Zsa’s life to wrestle with.

Just the thought of being inflicted with a life-threatening disease is already nerve-wracking, lalo pa kaya kung natuklasan na ni Zsa Zsa na meron siyang cancer kahit nasa Stage 1 pa lang ito, worse, ang pinanggalingan pa niyang sitwasyon which she has yet to overcome?

Kaisa kami sa panalangin na malampasan ni Zsa Zsa ang pagsubok na ito, let it be a constant reminder that any singer (the same applies to Susan Fuentes, hailed as the Queen of Visayan Songs) is worth his “G.I.G.” And we don’t mean performance… God is good.

 

EXACTLY TODAY, nasa siyam na araw nang ipinalalabas sa mga sinehan ang Just One Semplang. Ewan kung nag-improve ang audience turnout nito for its producer to laugh its way to the bank.

Isang katrabaho namin ang sinubukang manood ng naturang “off-season” na pelikulang ito, he stormed into Gateway at the Araneta Center on its first day of showing. First screening ‘yon, pero bantulot siyang pumila para bumili ng  ticket.

Curious, he inquired with the takilyera kung ilan na ang bilang ng mga tao sa loob ng sinagot, to which ang isinagot nito sa kanya ay, “Sir, kung papasok po kayo, bale pangwalo po kayo. Pero don’t worry po, dahil kapag hindi umabot sa sampu ang tao sa loob, ire-refund po namin ang ibinayad n’yo.”

Kunsabagay, the mall policy is simply valid. Kulang pang pambayad sa aircon ang ibinayad ng wawalong ulo na pumasok sa sinehan. “Babalik na lang ako,” sey naman ng aming co-worker, who chose to watch the movie Step Up sa ka-tabing sinehan.

Two hours later, bumalik ang aming katrabaho sa pinagpapalabasan ng Just One Semplang who approached the same takilyera with the same inquiry: pang-ilan daw ba siya kung manonood ng naturang pelikula? “Sir,” magalang pa ring panimula ng babaeng tagatanggap ng mga biniling ticket, “bale pang-14 po kayo. Puwede na pong simulan ang movie kasi lampas na po ng sampu.”

Nang kumustahin namin sa aming fellow worker what he thought about the movie, sey nito, “Walang bago, hindi nga ako kinilig, eh!”

No wonder, it bombed at the tills… boom!

 

SAKSIHAN NGAYONG Biyernes sa Face To Face ang kuwento tungkol sa  Lalaking Sugapa Sa Sapin-sapin, Lahat Ng Babae Gustong Papakin! Taped at the Pagudpud Town Plaza in Ilocos Norte, naghihimutok si Winnie nang matuklasang ang dyowa niyang si Romeo ay—not once but twice—na siyang pinagtataksilan.

Nagsilbi namang cheer leader si Laila Chikadora ng mga sawsawero’t sawsawera sa episode bukas na pinamagatang  Katulong Sa Karinderya Nagnakaw Bilang Ganti Sa Among Abusada! Kapwa pinararatangan nina Evangeline at Joy ang isa’t isa sa pagnenenok ng pera sa karinderya with matching hilaw na pagkaing pinaghahatian daw nila. Pumagitna na ang mismong  amo nilang si Rosenda, puro kamalasan lang daw ang hatid ng dalawang hitad na pareho lang naman daw ma-tinggera.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING