Elmo Magalona at Janella Salvador, pilit na winawasak sa social media ang sinisimulang love team

ADVERTISING

Elmo Magalona at Janella Salvador, pilit na winawasak sa social media ang sinisimulang love team

Elmo Magalona & Janella Salvador
Elmo Magalona & Janella Salvador

Kawawa naman ng bagong loveteam nina Elmo Magalona at Janella Salvador.

Hindi pa nga nagsisimula ang tambalan ng dalawa sa telebisyon, ang mga bashers ng dalawang kampo ay kabi-kabila na ang bashing sa dalawa separately.

Bina-bashed ng mga fans nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez (sila pa rin ba in real life?) si Janella na ngayon ay leading lady ni Elmo sa bagong rom-com ng Dreamscape Entertainment na “Born for You” para sa Kapamilya Network na magsisimula na sa Lunes, June 20, after ng “Dolce Amore”.

Ang mga fans kasi, mararamot. Kadalasan, kung sino ‘yong gusto nila na kapareha ng idol nila, ‘yun lang ang gusto nilang makita. Ang tambalan lang na sinusuportahan nila ang aprub sa kanila.

ADVERTISING

Maging ang supporters nina Janella at Marlo Mortel, ayaw kay Elmo. Sa social media, kung anu-anong bashing ang ginagawa nila kay Kevin (karakter ni Elmo sa serye) na kung nakamamatay nga lang ang mga banat nila sa binata, baka lumpo na at wakwak ang pagkatao nito.

Si Janella, kung anu-ano ang inaakusa ng mga bashers. Ayaw nila ang dalaga para kay Elmo na wala namang ginagawa sa girlfriend ng ka-partner niya sa bagong serye na dini-direk ni Onat Diaz.

Mabuti na lang, as a true gentleman, si Elmo na mismo ang humihingi ng dispensa sa bashers ni Janella na alam naman niya ay supporters at fans nila ni Janine.

Sa obserbasyon ko last Tuesday nang humarap ang dalawa sa media, hindi man sila (sa ngayon) dahil may commitment pa rin yata ang binata kay Janine, tila malaki ang possibility na ma-develop sila sa isa’t isa.

Sa sabayang interview sa dalawa, makikita mo na tama ang timpla nila. Ngayon na buo na ang love team nila sa telebisyon at patatagin na lang ang tambalan, made-develop na lang ‘yan as time goes by. Hindi kaya ma-develop na rin sila sa isa’t isa tulad ng mga nangyayari, na love teams on screen lang sa simula pero ang ending or bago mag-end ang palabas, magiging magkarelasyon na ang magka-love team in real life.

Si Elmo, naniniwala sa “destiny”. Kung ano man ang nakatakda sa kanilang dalawa ni Janella, bahala na si Batman.

Si Elmo, nako-conscious kapag tinitingnan ni Janella kapag sabay silang ini-interview at si Janella ay ganu’n din.

Nang makausap namin ang ina ni Elmo kamakailan, sinabi niya na gusto niya si Janella Salvador. “She’s pretty at magalang. I already met her mom, sabi nito sa amin pertaining kung p’wedeng maging totoo o kung sakaling magkatotohanan man ang dalawa habang nagte-taping.

Sa bagong kilig serye sa telebisyon nina Elmo at Janella, makasasama nila sina Ariel Rivera, Ayen Laurel, Katya Santos, DJ Durano, Freddie Webb, Smokey Manaloto, Ogie Diaz, at Ms. Gina Pareño.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING