Elmo Magalona at Janella Salvador, ipinagtanggol ng fans sa social media

ADVERTISING

Elmo Magalona at Janella Salvador, ipinagtanggol ng fans sa social media

Elmo Magalona & Janella Salvador
Elmo Magalona & Janella Salvador

Mabuti na lang, ang mga fans nina Elmo Magalona at Janella Salvador ay handa silang ipagtanggol sa mga basher nila.

ADVERTISING

Sa social media accounts namin na Twitter and Instagram (@rkvillacorta) nagpadala ng DM (direct message) ang mga tagahanga ng dalawa from Hong Kong na nangangako na hindi nila pababayaan ang kanilang mga idolo mula sa mga hindi magagandang paniniwala ng mga fans nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez (sila kasi ang  tunay na magkarelasyon) at ng mga fans nina Janella Salvador at Marlo Mortel (dating love team ang dalawa) na walang puknat din ang atake sa dalaga na pati si Elmo ay nadadamay.

Ang mga fans nilang dalawa na si Mitch Aguana from Portland, Oregon, USA nag-message sa amin: “Thank you po sa suporta ninyo kina ElNella (palayaw ng tandem ng dalawa). Kawawa naman po kasi sila sa hindi magandang bashing ng ibang mga fans sa kanila. Kung anu-ano po kasi ang isinusulat nila sa Twitter na hindi naman totoo.”

I just wonder kung bakit may ganitong mga tagahanga na kung anu-ano ang isusulat nila sa social media outlets nila para lang iangat ang idol nila. Pero unfair kina Elmo at Janella ang ganitong klaseng mga komento from other fan clubs lalo pa’t walang basehan.

ADVERTISING

Sa totoo lang, ang tambalang ElNella ay nagsisimula pa lang at ang kanilang bagong romcom na “Born For You” na produced ng Dreamscape Entertainment para sa Kapamilya Network na kasisimula pa lang kagabi pagkatapos ng “Dolce Amore” ay pang-telebisyon lang (as of this writing ay walang makapagsasabi kung magpo-prosper at ma-develop for real), huwag sanang urutin ng mga nagne-nega, at si Elmo ay para pa rin kay Janine in real life, kaya huwag dapat ma-insecure ang mga fans nina Elmo at Janine.

Sa “Born for You” romcom ng ElNella, makasasama ng dalawa sina Freddie Webb, Ayen Laurel, Smokey Manaloto, Ariel Rivera, Ogie Diaz, DJ Durano, Katya Santos, at Ms. Gina Pareño sa direksyon nina Onat Diaz at Jon Villarin.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING