Ellen Adarna, umaasang magkaroon din ng primetime soap

Ellen Adarna, umaasang magkaroon din ng primetime soap

Ellen Adarna, umaasang magkaroon din ng primetime soapHAPPY SI Ellen Adarna dahil until now ay pasok siya sa top 5 ng FHM Sexiest Woman of 2012, at ito raw ay utang na loob niya sa kanyang fans na patuloy na tumatangkilik at walang sawang bumuboto sa kanya.

Kuwento  pa ni Ellen, bukod sa pagpasok sa top 5 ng FHM, masayang-masaya rin siya sa itinatakbo ng kanyang career, kung saan regular siyang napapanood sa Bubble Gang at ngayong buwan ay may gagawin siyang indie film na may temang horror kung saan makakasama niya ang ilang teen stars ng GMA-7.

Dream ng isa sa prime artists ng Icon na makasama sa isang primetime soap ng GMA at hindi lang guesting, kung saan nakapag-guest siya sa Biritera. Sana raw ay mabigyan siya ng GMA ng soap na pang-primetime ngayong taon.

 

HINDI RAW itinatanggi ng CEO/President ng Focus E na si Ms. Joy Cancio na ibinebenta niya ang kanyang building na matatagpuan sa Kamias, pero hindi totoo ang lumalabas na balita na purdoy na ang kanyang kabuhayan at naghihirap na.

Ayon ka’y kaibigang Joy nang makausap namin, balak niyang lumipat ng ibang lugar na siyang kanyang magiging bagong opisina na along Quezon City din, kaya naman daw kaila-ngan niyang ibenta ang kanyang building dahil ang perang pagbebentahan nito ang gagamitin niya para ipambili ng bagong opisina.

At tungkol naman daw sa isyu tungkol sa pagka-casino niya, matagal na matagal na raw na panahon na huminto na siya sa pagka-casino. Hindi naman daw niya itinatanggi na minsan dumating sa buhay niya na nag-casino siya, pero huminto na raw siya nang ma-realize niyang wala namang maidudulot na maganda ang pagka-casino sa kanyang buhay.

 

HULING LINGGO na ng My Beloved this week kung saan may mga bagong character na papasok like Ms. Boots Anson-Roa bilang tumandang si Sharina (Marian) at sina Yassi Pressman at Tanya Garcia bilang dalagita at dalagang si Joy (anak nina Sharina at Benjie) at si Hiro Magalona.

Masuwerte ngang matatawag ang guwapitong tweens na si Hiro na huling napanood sa Biritera at napapanood sa malapit na ring magtapos na Tween Hearts, nakasama pa siya sa pagtatapos naman ng Beloved.

Sa ngayon daw, clueless pa si Hiro kung anong next project niya sa GMA-7, pero umaasa raw itong muling bibigyan ng GMA ng proyekto, lalo na’t nakakontrata siya sa Kapuso Network ng 3 years.

 

DALAWANG PALABAS ang dapat abangan ng mga manonood ngayong buwan ng Hunyo mula sa GMA-7. Ito ay ang Kasalanan Bang Ibigin Ka? na mapapanood tuwing hapon na pagbibidahan nina  Geoff Eigenmann at Jackie Rice, at ang Makapiling Kang Muli with Richard Guttierez and Carla Abellana.
Primetime King ang tawag kay Richard mula nang maging bida siya sa Mulawin noong 2004 dahil ang mataas na ratings ng kanyang show ang simula ng pamamayagpag sa primetime programs ng GMA-7.

Dapat nga raw aba-ngan ang kakaibang Richard sa Makapiling Kang Muli dahil ang maturity niya bilang dramatic actor ang mapapanood, na ang mahusay mismong direktor nito na si Ricky Davao ang nagsabi.
Garantisadong magugustuhan at tatangkilikin daw ito ng mga manonood ayon na rin kay Direk Ricky, dahil sa husay sa pagganap ng mga artista rito, at sa magandang script.

 

John’s Point
by John Fontanilla