Ellen Adarna, natupad ang pantasya kay Dennis Trillo

Ellen Adarna, natupad ang pantasya kay Dennis Trillo

Ellen-AdarnaBONGGA SI Ellen Adarna, ang seksing party girl na sa kanyang Instagram account, palagiaan kong nakikita ang mga kaliwa’t kanang party photos na naka-post sa account niya.

Sa wakas, tulad ng pangarap niya na makasama si Dennis Trillo, natupad ito sa pelikulang You’re Still The One na produced ng Star Cinema at Regal Films na ipalalabas na sa May 27.

Yes, dream come true for Ellen ang project niyang ito, pero super bonus, ‘ika nga, dahil hindi lang simpleng pelikula ang natupad kundi ang pantasya niya na hayun, makaniniig niya ng tatlong beses ang pantasya niya na si Dennis sa pelikula.

Sino ba ang hindi nagpapantasya sa guwapong aktor na ang pagiging tahimik at matinik sa babae ay makakaeksena mo sa isang super hot na love scene.

Binilang nga ni Dennis ang mga love scenes nila ni Ellen (hindi pa kasama ang mga love scenes niya kay Maja Salvador). Saktong tatlo yun na ang shower scene nilang dalawa ang dapat abangan ng manonood.

Si Dennis na kadalasan ay kinai-in love-an ng kanyang mga leading ladies sa pelikula or teleserye, hindi kaya ma-develop ang sexy star sa aktor?

Ngayon pa na libreng-libre si Dennis na ang status ng lovelife ay unattached (ewan ko kung saan ilalagay si Jennylyn Mercado sa puso at buhay niya), tila malaki ang chance na ma-develop sila ni Ellen.

Sayang nga lang at wala si Ellen last Saturday at mayroong previous commitment para makadalo sa press launch, ayon kay Maja.

Makasasama nina Dennis, Ellen, at Maja si Richard Yap (ang Sir Chief at Papa Chen ng Bayan) na for the first time ay super sexy sa kanyang eksena sa pelikula.

Reyted K
By RK VillaCorta