Ellen Adarna, nagpasilip ng boobs sa mga driver

ADVERTISING

Ellen Adarna, nagpasilip ng boobs sa mga driver

Ellen-AdarnaNAGKAGULO ANG mga driver nang makita nila ng personal si Ellen Adarna na super seksi sa suot na short shorts at halos nakasando na kapag yumuko ay makikita mo na ang maputi at makinis na hugis ng kanyang malusog na boobs.

Sa ginanap na Moon of Desire Bumper Sticker promo last Saturday, walang kiyeme at pakialam si Ellen na habang idinidikit ang mga sticker ay halos makita na ang kanyang malusog na boobs na siya namang pinagkaguluhan ng mga driver na makita nang malapitan.

Kagulo ang mga driver na malapitan si Ellen dahil game at wala itong pakialam na kahit maaninag ang kanyang malusog na boobs ng mga nagkakagulong driver.

Sabi nga ng isang driver, pagkakataon na raw nila na makita ang pinapantasya nilang artista at makita nila nang malapitan. Kung dati ay sa TV lang daw nila ito nakikita, nang time ‘yun nga naman ay parang manika sa harap nila ang dating ni Ellen. Sabi naman ng isa, solve na raw ang araw niya dahil nasilayan niya ang kanyang pinapantasyang seksing actress.

ADVERTISING

Samantala, inamin ni Ellen na nagpalaki siya ng boobs at gusto na raw niya itong ibalik sa dati.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING