Ellen Adarna, manganganak na sa June?

ADVERTISING

Ellen Adarna, manganganak na sa June?

Ellen Adarna, manganganak na sa June?
Ellen Adarna and John Lloyd Cruz

YES, kahit wala pa rin kumpirmasyon mula kina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na buntis itong huli, sa June na diumano naka-schedule ang lady love ni Lloydie magsilang ng kanilang anak.

Last weekend, nakausap ko ang isa mga trusted person ng aktor na ayaw pabanggit ang pangalan, at kinumpirma niya na totoong preggy si Ellen.

Sa katunayan, excited na ang dalawa sa pagdating ng baby nila.

Since the time namaalam saglit si Lloydie sa showbiz nang ma-in love siya sa kanyang partner na si Ellen ay less na ang balita nakakarating sa publiko.

ADVERTISING

Based sa Manila sina Lloydie at Ellen. Sa bahay ng aktor sa Valle Verde sila nakatira at kung nakikita man sila sa Cebu ay padalaw-dalaw lang ang dalawa kina Ellen ayon sa impormasyon sa amin na super trusted friend ni Lloydie.

Tanong sa source namin na super close kay John Lloyd: “Sa tingin mo kaya makakabalik pa siya sa showbiz?”

Walang kagatol-gatol, sagot ko ay Yes!

Aktor si Lloydie. Nothing to be scared of kung paguusapan ay ang pagbabalik showbiz niya.

Ellen Adarna, manganganak na sa June?
John Lloyd Cruz

Sabi ko sa trusted friend ng aktor, ang publiko lang naman ang nagkulong kay John Lloyd Cruz kung ano man ang imahe na gusto nila.

Ang peg nila sa aktor ay si Popoy pero si Popoy at ang totoong John Lloyd Cruz ay magkaiba.

 Pinabulaan din ng source namin na walang katotohanan ang kuwento na kumalat na nagsoli ng pera ang aktor (tulad ng naibalita namin noon) sa ABS-CBN mula sa kanyang guaranteed contract.          

Meaning, tuloy pa rin ang pagaartista ni Lloydie. Nagpahinga lang talaga siya.

”Nagpaalam siya sa mga bossing bago siya tuluyan nawala saglit at hindi muna tumanggap ng mga mtrabaho,” pagkumpirma ng reliable source namin.

Pero may lumutang na tsismis na this weekend na nanganak na raw si Ellen sa Thomson Medical Center sa Singapore na ang source, isang tsismosang netizen.

           

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING