Ellen Adarna, maagang nagrebelde

ADVERTISING

Ellen Adarna, maagang nagrebelde

1 Ellen-AdarnaWALANG NGANG pakialam si Ellen Adarna na aminin na nagparetoke siya ng boobs. ‘Yun naman daw talaga ang totoo at hindi niya ikinahihiyang aminin sa publiko.

Prangka ring inamin ng tunay na Pantasya ng Bayan ngayon na si Ellen na high school pa lang ay umiinon na siya ng alak at marami na rin siyang naging boyfiend.

“Maaga kasi akong rebelde. Gusto ko kasi ng kalayaan noong bata, pero ngayon ko lang napagtanto na tama ang aking mga magulang na dapat hanggang bata pa ay maging seryoso sa buhay at mag-concentrate sa pag-aaral,” say ni Ellen.

Wala naman daw siyang pinagsisihan nagawa. Naging aral pa nga raw ang mga maling nagawa noon kanyang kabataan.

ADVERTISING

Ngayon ay proud na sa kanya ang mga magulang dahil naipakita niya na maayos na ang kanyang buhay at tanggap na rin raw ng magulang niya ang pagpasok sa showbiz.

Pagdating sa pagpapaseksi ay walang kiyeme si Ellen dahil may ipakikita naman at ipagmamalaki.

Samantalang marami ang nagtataka sa naging pahayag ni Cristine Reyes na ibinibigay na raw nito ang pagpapaseksi kay Ellen. Taray ng ilan nakakausap namin: “Bakit! Kailan pa raw ba naging Pantasya ng Bayan si Cristine?” At huwag na raw sumasaw sa kaseksihan ni Ellen, dahil totoong Pantasya ng Bayan ang bagong Calendar Girl ng isang brand ng alak.

‘Di nga ba patunay na Pantasya si Ellen dahil mismong mga barako ng brand ng alak ang nag-endorso na kunin calendar girl ito at wala nang iba pa.

 

HOW TRUE na masama raw ang loob ni Empress Shuck sa Star Magic dahil pakiramdam daw ng young actress ay hindi siya nabibigyan ng attention ng mga ito?

Ang una at huling teleserye niya sa Dos ay hindi na nga nasundan pa. Sino kaya ang may pagkukulang?

Sayang ang ganda at galing sa pag-arte ni Empress na noon pa ay may potential nang sumikat pero hindi nabibigyan ng tamang project.

Marami nga ang nagsasabi na kamukha ni Empress si Jennifer Love Hewitt noong kabataan nito.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING