Ellen Adarna, level up na

ADVERTISING

Ellen-AdarnaMAS GUMANDA pa at lalong sumeksi ngayon si Ellen Adarna noong gabing humarap siya sa media at mga blogger para sa launching ng produktong Nutririte cerial drink na kanya ngayong iniendorso. Ginanap ang press conference kamakailan lamang sa 88 Super Club sa Timog.

Nagustuhan umano ni Ellen ang produkto, ayon sa kanya ay yummy ito at malinamnam. Bagay na bagay raw ito sa kanya at pasalamat pa siya sa pamunuan ng kompanya na siya ay nakuha bilang endorser. Tamang-tama rin daw ang dating nito sa kanya dahil nasa stage pa siya ng pagpapaseksi at pagpapaganda ng pangangatawan. Available na rin ang produkto sa mga grocery at supermarket, ang Nutririte low-fat cerial drink.

ADVERTISING

Pinaghahandaan niyang mabuti ang nalalapit niyang pagganap sa teleserye ng Kapamilya Network na Passion de Amor, kung saan makakasama niya sina Ejay Falcon, Jake Cuenca, Arci Muñoz, at Coleen Garcia.

Samantala’y usap-usapan naman na si Ejay ay nali-link kay Ellen na umano’y nanliligaw na ang binata sa kanya. Inamin naman niya na single na ulit siya at available, matapos ang break-up nila ng kanyang long-time partner na non-showbiz na si Raoul Olbes. Almost six years na magkaibigang matalik na nauwi sa pagiging magkasintahan. Mahigit din isang taon ang kanilang relasyon.

Noong mga unang araw ng kanilang break-up, nahirapan daw siyang maka-move-on, at halos iyakan niya ito. Pero pinanindigan na niya na ang inayawan na niya ay ‘di na niya babalikan.

ADVERTISING

Sa ngayon ay hindi lang naman daw si Ejay ang nanliligaw sa kanya, kaya lang ay hindi pa raw siya handang makipagrelasyon. Mag-e-enjoy na lang daw muna siya sa pagiging single.

Nagsimula ang kanyang career sa pagmomodelo hanggang napasok sa showbiz. Unang guesting niya sa number one sitcom ng Kapuso Network, ang Bubble Gang, ay naging regular cast na siya. Nag-quit lang siya sa showbiz last year (2014) dahil na rin sa tinawagan na siya ng kanyang ama na nasa Cebu. Hindi na siya nakatanggi dahil matagal ding may tampuhan silang mag-ama. ‘Yun na umano ang tamang panahon upang magkasundo na sila.

Galing sa mayamang pamilya si Ellen, at sa kagustuhan ng ama ay pinangasiwaan niya ang kanilang business doon. Ngunit ‘di nagtagal ay muli siyang bumalik sa showbiz industry. Sa Kapamilya Network na siya pumirma ng kontrata. Sa kanyang bagong mundo ay naging kabi-kabila na ang kanyang mga guestings at project. Kaya naman lagi na ngayong busy ang dalaga, lalo’t nagsisimula na silang mag-taping ng kanilang teleserye, ang Passion de Amor.

Ni Maria Luz Candaba

ADVERTISING