Ellen Adarna, ipinalit ni Ejay Falcon kay Yam Concepcion

ADVERTISING

Ellen Adarna, ipinalit ni Ejay Falcon kay Yam Concepcion

Ellen-Adarna-Ejay-FalconFINALLY, INAMIN na rin ni Ejay Falcon na naging dyowa nga niya si Yam Concepcion, pero hindi rin nagtagal ay kinalasan ang sexy star.

Ayon pa kay Ejay, nakapag-usap na raw sila ni Yam at humingi ng sorry sa ginawang pag-iwan na naunawaan naman daw ng ex-gilfriend.

Pero ano itong nakarating sa amin na si Ellen Adarna na raw ang pinagnanasaan ni Ejay kaya nakipagkalas kay Yam?

Katunayan ay gigil na gigil na si Ejay na makasama si Ellen sa bagong serye na gagawin sa Dos. Kahit na raw seksi pa ang role na gagampanan niya ay hinding-hindi siya magrereklamo.

ADVERTISING

Atat na atat na nga si Ejay na kahit hindi sabihin ay bakas sa mukha nito ang kasabikan na magsimula na ang taping nila para matikman ang kaseksihan ni Ellen.

Pagdating pa naman sa seksi role ay walang reklamo si Ellen kaya ang kinasasabikan ni Ejay na makapiling kahit sa serye ang una ay malapit nang matupad.

Kaya lang, may boyfriend yata ngayon si Ellen kaya malabong mahulog ang loob kay Ejay.

Ano nga kaya ang dahilan ng short lived na pagmamahalan nina Yam at Ejay?

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING