Ellen Adarna, inabsuwelto si Sen. Bong Revilla Jr.

ADVERTISING

Ellen Adarna, inabsuwelto si Sen. Bong Revilla Jr.

1 Ellen adarnaINABSUWELTO NI Ellen Adarna si Senator Bong Revilla sa isyu na pinormahan siya ng senator. Wala raw katotohanang tinext siya ng senator para lumabas or manligaw.

Sabi ni Ellen, totoo raw na nakatanggap siya ng text kay Senator pero once lang at hindi na naulit at lalong wala raw text na pinopormahan siya ni Bong.

Para matapos na raw ang isyu ay nagsalita siya para linawin ang mga malisyosong balita na nagsimula at binigyan ng maling interpretasyon ng interview sa kanya ng gustong mapag-usapan na dating artista, pero nasa abroad na lang ngayon dahil sa kasong kinahaharap nito sa ating bansa kaya hindi na makabalik ulit ng ‘Pinas.

Samantalang kahit nasa kulungan at nahaharap sa kasong plunder si Senator Bong, patuloy pa ring mapapapanood ang Kap’s Amazing Stories ni Senator sa GMA 7, every Sunday morning dahil nakapagbibigay ito ng mga aral at kaalaman lalo na sa mga mag-aaral at televiewers.

ADVERTISING

We heard may nag-suggest, habang hinaharap ni Senator Bong ang kaso ay puwedeng humalili sa kanya sa pagho-host ng KAS ang anak na si Jolo Revilla.

 

MULING PINATUNAYAN ng tandem nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang lakas sa masa at hindi kami magtataka kapag nailabas na sa mga sinehan ang kanilang movie na She’s Dating The Gangsters ay maging block buster ito sa takilya.

Sa trailer pa lang ng movie, kikiligin ka na sa mga bagong eksena na ngayon pa lang gagawin ng dalawa.

Tama si Direk Cathy Garcia Molina na may kilig factor ang movie at may drama na tatama sa mga kabataan at maging sa mga magulang.

Ngayon pa lang, binabati na namin ang bumubo ng She’s Dating the Gangster na palabas na ngayon sa mga sinehan.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING