Ellen Adarna, handang maghubo’t hubad

ADVERTISING

Ellen Adarna, handang maghubo’t hubad

Ellen-AdarnaWILLING SI Ellen Adarna, ang bagong 2015 Ginebra San Miguel calendar girl, na maghubo’t hubad sa pelikula. Hindi raw isyu sa kanya ang nudity at wala siyang nakikitang masama sa pagpapakita ng katawan sa pelikula.

Tama rin ang naging pahayag ni Ellen na dito lang naman sa Pilipinas minamasama ng marami ang paghuhubad sa pelikula. Pero sa Amerika, part ang nudity ng propesyon o trabaho ng isang artista.

“Dito sa atin, nababastusan sila sa ganu’n. Pero ako, I’m willing to do it if really necessary,” sey pa ng dalaga.

May panawagan din si Ellen sa mga scriptwriter and producer. Puwede raw silang mag-pitch ng project sa sexy actress at kapag nakita niyang makabuluhan ito, susunggaban at gagawin niya sukdulang marami pang nude scenes na gagawin.

ADVERTISING

Bongga ang hitad, huh!

Anyway, may new teleserye nga pala si Ellen sa ABS-CBN, ang Passion de Amor kung saan kapareha niya si  Ejay Falcon.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING