Ellen Adarna, gustong magkaanak, kahit walang asawa

Ellen Adarna, gustong magkaanak, kahit walang asawa

Ellen-AdarnaKAKAIBA ANG personality at outlook sa buhay ni Ellen Adarna. Napaka-straight forward, witty kung sumagot, liberated woman. Walang itinatago sa kanyang personal life. Inamin nitong hiwalay na sila ng non-showbiz boyfriend, live-in partner, businessman Raoul Olbes last September 2014. This time, focus muna raw siya sa career, ayaw muna niya to get involve in a serious relationship

Sinabi ni Ellen na walang third party involve sa break-up nila ni Olbes. Dumating lang daw sa point na kailangan nilang maghiwalay. Naramdaman nila pareho, it’s time to part ways. Sa tingin kasi ng sexy actress, it’s not working out kaya nagdesisyon siyang tapusin na ang kanilang relationship. Hindi naging madali para kay Ellen na hiwalayan ang dating live-in partner for 3 years dahil minahal niya ito at naging part ng buhay niya.

Kahit may kirot sa puso ang paghihiwalay nina Ellen at Olbes, kailangang tanggapin ng dalaga na hanggang doon na lang ang kanilang love affair. May mga issues daw silang hindi maayus-ayos at mahirap na raw ayusin pa. Hindi na lang idinetalye ng actress-model kung ano ‘yun bilang respeto sa ex-boyfriend. Alam naman daw ‘yun ni Olbes. Ang ugali pa naman ni Ellen kapag ayaw na niya, hindi mo na ito mapipilit pa.

In 3 years time, gusto ni Ellen na magkaanak. Baby lang ang kailangan niya. Alam naman ng parents niya ang gusto niyang mangyari at willing ang mga ito to support her. Napaka-liberal, open-minded lalo na pagdating sa ganitong bagay.

As of now, open naman si Ellen na makipag-date pero wala munang commitment, casual date lang. Getting to know each other, friends date. Hindi natin alam kung saan ito papunta. Tanging ang dalaga lamang ang makasasagot kung sinuman sa mga suitors niya ang mapusuan niya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield