Ellen Adarna, game na game na sa hubaran

ADVERTISING

Ellen Adarna, game na game na sa hubaran

Ellen-AdarnaKAMAKAILAN AY nakita ko sa internet ang hubad na larawan ni Ellen Adarna na nakatayo. Hubo’t hubad ang seksi at batam-batang actress na naka-pose at buong pagmamalaking ipinakita ang kaseksihan at ganda ng katawan.

ADVERTISING

Hindi mo sasabihin na pinilit itong mag-pose nang totally-naked dahil naka-smile pa ito at halata ring walang ginawang retoke sa dalawang pose na nakatayo.

Kaya hindi na kami nagulat nang makita namin ang hubad na larawan ni Ellen na cover ng isang men’s magazine. Walang saplot ito na side view nakatihaya at nakatakip lang ang dalawang kamay sa kanyang dibdib.

Pero in fairness sa kuha, kahit hubad ay hindi bastos ang dating. Artistic ang shot na kapag nakita mo ay “tatayo” ang lahat ng balahibo mo sa katawan.

ADVERTISING

Aminado si Ellen nang makatsihan namin noong kasama pa siya sa Bubble Gang na napapanood every Friday sa GMA 7 na noong kabataan niya ay nagrebelde siya. Lahat ng hilig at gusto ng isang teenager ay ginawa raw niya noon. Pero hindi naman daw siya umabot sa punto gumamit ng pinagbabawal na gamot.

Nang mag-artista si Ellen ay tumutol din daw ang ama. Pero tinuloy pa rin niya ang pag-aartista at ngayon ay okey na silang mag-ama.

Ask kung may pinagsisihan ba siya sa mga nagawa niya noong kabataan, sabi ni Ellen, wala raw siyang pinagsisihan. Mas lumawak pa nga raw ang naging kaalaman niya sa buhay.

Pagdating naman sa hubaran, wala rin problema kay Ellen. Basta kailangan daw talaga sa istorya ay gagawin ang ipag-uutos ng director.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING