Ellen Adarna, dinumog ng kalalakihan sa launching ng endorsement

ADVERTISING

Ellen Adarna, dinumog ng kalalakihan sa launching ng endorsement

Ellen-DarnaDUMAGSA ANG ‘di mabilang na kalalakihan sa  launching ng isa sa tinatayang pinagpapantasyang sexy actress sa bansa na si Ellen Adarna bilang newest addition sa lumalaking pamilya ng Bench Body na ginanap sa Bench Tower last July 14, 2014.

ADVERTISING

Maganda ang pagbubukas ng lLaunching ni Ellen with matching boxing rink at may sexy girls na hataw sa pagsayaw kung saan biglang pumasok si Ellen at animo’y isang lady boxer na sobrang sexy, flawless at oozing with sex appeal.

Pinuno nga ng hiyawan ang loob ng The Playground Basement Level sa paglabas ni Ellen. Present at all smile ang CEO/ President ng BENCH na si Mr. Ben Chan sa nakita niyang paghanga ng mga taong naroroon sa kaseksihan at kagandahan ni Ellen.

Suportado rin si Ellen ng kanyang guwapong Boyfriend na isa sa nanonood ng ilang numbers ni Ellen na mukhang nag-enjoy sa magandang performance ng kanyang GF at sa naririnig nitong papuri at paghanga mula sa mga naroroon.

ADVERTISING

Swak na swak nga si Ellen para sa Bench Body dahil sa sobrang kaseksihan nito at sobrang kinis na mala-labanos ang kutis, dagdag pa ang lakas ng dating nito ‘di lang sa mga kalalakihan kundi sa mga kababaihan na nangangarap na maging sexy at flawless katulad ni Ellen.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING