Ellen Adarna, bumongga ang career nang lumipat sa Dos

ADVERTISING

Ellen Adarna, bumongga ang career nang lumipat sa Dos

Ellen-AdarnaNO DOUBT na mas bumongga ang career ni Ellen Adarna nang mag-ober da bakod sa ABS-CBN. Dahil hindi pang-support at lead ang nakuha niyang proyekto sa Dos sa Moon of Desire, kung saan nakipagtagisan ito ng paseksihan at pagalingan sa pag arte kay Meg Imperial na bigla ring bumongga ang career nang lumipat sa Dos from GMA7 to TV5 at ngayon nga`y mas bumongga ang career sa ABS-CBN.

First project pa lang ni Ellen ang Moon of Desire, pero sandamakmak na proyekto na kaagad ang napunta rito at hindi na siya puwedeng sabihing support-support lang ng bida. Isa na sa malaking proyektong nakuha ni Ellen nang mag-transfer sa Dos ang Bench Body kung saan siya ang pinakabagong dagdag sa pamilya ng Bench.

Happy nga raw si Ellen dahil sa sobrang dami at malalaking billboards nito ng Bench Body, partidang nakakaisang proyekto pa lang siya sa ABS-CBN. Mas marami na rin nga raw ang nakakikilala sa kanya at tinatawag siya kung ano ang pangalan niya sa Moon of Desire.

Isa pa raw sa dahilan ng kaligayahan ni Ellen bukod sa pagiging Bench model ay extended ang show nila ni Meg, bukod pa riyan ang ilan pang proyektong gagawin.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING