Ellen Adarna, aminadong laklakera

ADVERTISING

Ellen Adarna, aminadong laklakera

Ellen-AdarnaSOBRA KAMING naaliw sa mga diretsong sagot ng Ginebra San Miguel 2015 calendar girl na si Ellen Adarna. GSMI marks its 180th anniversary as it launches the sexy actress last Thursday, October 23 at Hotel Rembrandt. Also, they pay tribute and give homage to hard working Filipino men who are the main consumers of Ginebra San Miguel.

Nang i-offer kay Ellen na mag-pose for GSMI calendar 2015, agad-agad niya itong tinanggap dahil it’s another milestone sa career nito. At saka, mapapabilang siya sa mga sexiest women who has posted for Ginebra San Miguel’s legendary and highly anticipated annual calendar.

“I am very honored to be part of GSMI family. I feel confident and humbled at the same time for the trust that GSMI gave me to be it’s 2015 calendar gilr. Nag-diet ako, lots of exercise para maging maganda ang kalabasan,” she say.

Pinuri-puri ng GSMI Vice President and Marketing Manager Nelson Elises si Ellen dahil wala itong kaarte-arte sa katawan. Hindi na nga raw ito nag-request ng out of town pictorial. Kahit sa studio lang kinunan ang mga sexy pictorial ng dalaga, wala silang narinig na reklamo mula sa actress.

ADVERTISING

“Ten hours ang tinagal ng hair and make-up (Albert Kurinawan) bago kami nakapag-shoot ni BJ Pascual, my photographer and my stylist is Liz Uy. Okay lang, happy ako sa kinalabasan. Sila na ang pumili saka ipinakita sa akin. Gusto ko ‘yung mga ginamit for Ginebra calendar 2015,” turan ng sexy actress.

Masasabing almost perfect na nga ang katawan ni Ellen. Pero inamin niya sa media na fake ang kanyang boobs. Matagal na raw niya itong pina-enhance, wala na siyang dapat pang ipagawa sa katawan.

Given a chance to do a serious indie film, willing ba naman si Ellen na mag-all the way sa pelikula?

“Depende ‘yun sa project kung kailangang magpaka-daring ako. Well, if the script is really good at kailangan sa istorya, why not? Lalo na siguro kung magaling ang director. Sa Hollywood nga, ang mga actors ginagawa ‘yun. Wala silang pakialam sa mga daring scene. For me, if it’s make me a good actor, gagawin ko,” diretsong sagot ni Ellen.

Frontal nudity? “Hindi ko pa alam, wala pa naman akong ganu’ng offer to do frontal nudity,” aniya.

Inamin ni Ellen na may non-showbiz boyfriend siya sa ngayon. Hindi raw ito nakikialam sa kanyang showbiz career. Naiintindihan daw nito ang pagiging sexy actress ng dalaga. Hindi siya naniniwala sa marriage, having a child of their own. “Have kids before marriage. I’m not the marrying type… “

Palibhasa alak ang ini-endorse ni Ellen kaya’t tinanong namin siya kung anong brand ng Ginebra San Miguel ang madalas niyang inumin? “GSM Blue, iniinom ko ‘yan sa Cebu, mura lang. Malakas akong uminom, hard ang iniinom ko. Nakainuman ko na sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban. I drink when I’m happy, kung minsan stress ako, kaya nag-iinuman kami with my friends and boyfriend. Gusto kong ma-relax at saka, I drink because ito ang reward ko sa sarili ko.”

Naging controversial issue ‘yung behind the scene pictorial ni Ellen na lumabas sa Internet ang private part ng dalaga. As much as possible, ayaw na niyang pag-usapan pa ito. Paliwanag niya, “Walang kontrata ‘yun nang tanggapin ko. Hindi ko alam kung papaano ‘yun lumabas sa Internet. Hindi ko ‘yun kontrolado. Hindi ako ang may kasalanan kung naglabasan ‘yun. It’s not my fault, wala akong regrets. Now, I learned my lesson, kailangang maging maingat na ako.”

Masasabing si Ellen ngayon ang hottest and sexiest young actress in the industry. Nasa serye siya ng Moon Of Desire at Passion de Amor ng Kapamilya Network. Kasama rin siya sa cast ng sexy comedy film na Beauty In A Bottle with Assunta De Rossi, Angelica Panganiban at Angeline Quinto sa direksiyon ni Antoinette Jadaone under Skylight Film and Quantum Film, showing in all cinemas nationwide starting October 29.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING