Ella Cruz, tanggap na ‘di siya bida sa bagong serye

ADVERTISING

Ella Cruz, tanggap na ‘di siya bida sa bagong serye

Ella-CruzTANGGAP NI Ella Cruz na kahit nagbida na siya sa teleseryeng Aryana ng ABS-CBN na darating talaga ang panahon na magsi-second lead lang siya sa isang proyekto.
Sa Bagito, hindi siya ang bida kundi ang tambalan nina Nash Aguas at Alexa Ilacad. Ano kaya ang reaksyon niya rito?
“Eh, talaga pong ganu’n ang buhay. Sila naman po kasi talagang dalawa ang inilu-launch dito sa Bagito,” paliwanag agad niya.
“Pero ako, ang masasabi ko po, hindi naman po so-so lang ‘yung role ko rito. At saka, kung hindi rin naman po dahil sa akin, hindi siya magiging bagito,” biro pa niya.
Inamin din ni Ella na medyo nanibago siya nu’ng una. “Opo, at first, medyo parang, ‘ay hindi ako ’yung bida’, pero ganu’nnaman po talaga, darating naman po ‘yung time na hindi ikaw ‘yung bida, merong second lead ka lang. Pero this time hindi ko talaga nakita na so-so lang si Vanessa.  “Actually, para sa akin, just do your job, ’yung work, ’yung pangarap mo and just do your best para umangat yung character mo,” paliwanag pa ni Ella.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING