Ella Cruz, shock pa rin sa love scene

Ella Cruz, shock pa rin sa love scene

Ella-CruzSA SERYENG Bagito na pinag-uusapan na ngayon, dalagang nabuntis at the age of 19 years old, ang role ni Ella Cruz.

Ayon sa bagets na dalaga nang makausap namin sa grand presscon ng Bagito, first time niyang magpo-portray ng ganoong role at first time din niya na magkaroon ng love scene kay Nash Aguas.

In fairness, maganda at malinis ang pag-e-execute ng nasabing maselang eksena na idinirek nina Onat Diaz at Jojo Saquin.

Dahil first time nga ni Ella na gumawa ng love scene ay hindi pa rin raw siya makapaniwala na nagawa niya ang ganoong klaseng role.

“Parang na-shock po ako hanggang ngayon. Parang hindi ako makapaniwalang nagawa ko na ‘yung ganoong scene. ‘Di ko siya ma-take pa,”natatawang say ni Ella.

When ask kung mangyari sa kanya ang role niya sa Bagito na nabuntis nang wala sa panahon, “Diyos ko! Huwag naman po sana,” aniya.

“Ang dami ko pa pong pangarap sa buhay. Well, hindi ko alam. Ayoko pa po talagang mangyari ‘yun. Hindi ko po talaga hahayaang mangyari ‘yun, kasi bata pa po ako at may pangarap sa buhay,” say ni Ella.

Samantalang dapat lang matuwa ang buong cast ng Bagito dahil waging-wagi ang pilot episode nito na nakakuha ng napakataas na 27.2 % rating ayon sa Kantar habang ang katapat ay 11.3 %.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo