Ella Cruz, pinilit na magpa-sexy

Ella Cruz, pinilit na magpa-sexy

Ella-CruzKUMPARA SA wholesome na role niya sa pinagbidahang fantasy series noon na Aryana, ibang-iba ang role ni Ella Cruz sa Bagito, dahil sa story ay mabubuntis siya ng title role dito na si Nash Aguas.

May mga nagtatanong tuloy sa young actress, paano kaya kung mangyari ito sa kanya sa totoong buhay?

“Naku, huwag naman po sana,” halos mapatili na sagot ni Ella. “Marami pa po akong pangarap sa buhay kaya… ayoko talagang mangyari ‘yon. Hindi ko pa talaga hahayaang mangyari ‘yon.”

Parang ka-love triangle siya ni Alexa kay Nash dahil sa istorya ay mabubuntis siya ng young actor. Hindi ba siya natakot na baka i-bash ng fans ng loveteam ng mga ito.

“Actually, naisip ko po ‘yon. Pero mas naisip ko ‘yong role na gagampanan ko. Kasi po it’s very, very challenging at iba sa mga previous na ginawa ko po. And kasama naman po talaga sa buhay natin na meron talagang mamba-bash.

“Kahit wala kang ka-loveteam. Kahit wala kang ginagawa. Kasama talaga ‘yan sa buhay. So, just accept the fact na mangyayari po talaga ‘yon. For sure naman in the end, mamahalin din nila si Vanessa,” pagtukoy niya sa character na kanyang ginagampanan.

She’s eighteen. Pero mas pinatanda pa ang hitsura niya para sa kanyang role sa Bagito.

“Talagang naka-red lipstick pa ako and red nails. Ang dami po naming ginawa para magmukha talaga akong mature. Even ‘yong hair ko. Naka-hair extension ako.”

Nakakapanibago dahil sexy rin ang projection niya para sa kanyang character. Napaka-alluring at seductive ng kanyang dating.

“Nag-research po talaga kami kung paano po ipagma-mature ‘yong hitsura ko po. Na ‘yong hair extension nga po, tapos ‘yong eyes at lipstick na Venessa na Vanessa po talaga. Kahit po sa acting nga po. Para talaga ma-identify na malayo ang age gap namin ni Nash.

“Siyempre, tinutulungan din po kami ng director namin. Ako in real life, hindi pa naman po talaga ako mature gumalaw. So, kailangan po talaga ro’n, may projection ng katawan. And ‘yon… kailangan ding i-push na sexy ako… daw!” natawang sabi pa ni Ella.

“Ang dami kong ginawa na paghahanda na… mature na talaga. Even ano… nag-henna pa ako ng tattoo para rito.”

Sa presscon ng Bagito kamakailan ay ipinapanood din sa mga dumalong movie press ang edited na episodes para sa pilot week nito. At parang hindi komportable si Ella do’n sa part na meron silang tame na lovescene ni Nash.

“Habang pinapanood ko po kasi, kinabahan ako. Sobra! Kasi siyempre po, parang ano nga… first time kong ginawa ‘yon. Kaya parang nasa-shock pa ako hanggang ngayon na hindi ako makapaniwala na nagawa ko na ‘yong gano’ng scene.”

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan