ELLA CRUZ NAI-INSECURE! ‘Hindi ko accepted lahat ng flaws ko pero I’ve learned recently to love them’

Leo Bukas

INAMIN ni Ella Cruz sa virtual presscon ng pelikulang Gluta ng Viva Films na marami siyang itinatagong insecurities sa katawan lalo na nung nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

 “Una sa lahat, ang liit ko. Marami ang mas maganda sa akin, tapos medyo hindi ako makinis noong nagsisimula ako,” pagtatapat ng dalaga sa amin.

ELLA CRUZ NAI-INSECURE! 'Hindi ko accepted lahat ng flaws ko pero I’ve learned recently to love them'
Ella Cruz

“Pero growing up, siguro hanggang ngayon, meron pa rin akong insecurities. Pero minsan kailangan mong ma-realize na meron tayong kanya-kanyang kagandahan and in-accept ko nang merong mas magaganda sa akin.

“In-accept ko na siguro mas maganda siya pero siguro mas magaling akong sumayaw. Lagi kong sinasabi, I don’t have much magazine covers. Siguro, hindi pang-magazine ang mukha ko,” patuloy na pahayag ni Ella.

Pinalakas daw ang kanyang loob ng magkaroon siya ng mga acting awards at manalong best supporting actress sa 2019 Cinemalaya para sa pelikulang Edward.

“Sabi ko, okey lang, sige. Pero I have more projects na iba naman, na blessings like movies na napu-fulfill ko and I have acting awards. Yon talaga ang pinaka-nagsabi sa akin na I’m doing fine. I’m doing great, I’m doing good in this industry.

“Hindi man ako palaging nasa cover ng famous magazines na yan, at least I have an award confirming that I’m doing great,” pagmamalaki pa ng dalaga.

Sa Gluta na idinirek ni Darryl Yap ay ginagampanan ni Ella ang character ni Angel na isang Aeta na nangangarap maging beauty queen. Ayon sa aktres, naka-relate siya sa kanyang role dahil pinangarap din niya noon na maging beauty queen.

“Gusto ko talagang maging beauty queen noon. Kinuwento ko yon kay Direk Darryl, sabi ko, ‘Alam mo, Direk Darryl nung bata ako pangarap kong maging beauty queen.’ Sumasali ako sa lahat ng contests sa school.

ELLA CRUZ NAI-INSECURE! 'Hindi ko accepted lahat ng flaws ko pero I’ve learned recently to love them'
Ella Cruz

“Pero dito ako tinadhana, na maging isang artista kasi yung height ko hindi pang-beauty queen. Pero malay natin di ba, wala nang height requirements ngayon,” sabay tawa niya.

“Isa yon sa naging similarities namin ni Angel and siguro yung pag-accept ni Angel kung sino siya. I’ve learned just recently kung sino ako and I’m very happy na mas makilala ko pa yung sarili ko. Kasi pag pala tinatanggap mo kung sino ka mas nakikilala mo kung sino ka.

“Ako dati hindi ko accepted lahat ng flaws ko pero I’ve learned recently to love them, to embrace them and para mas ma-identify na, ‘Oh, eto, pag ganito si Ella ‘to. Pag hindi ako maliit hindi ako si Ella, ganun.’

“Yung embracing who you really are mula sa pinakapangit na side mo hanggang sa pinakamagandang side,” huling pahayag ni Ella.

Nakatakdang ipalabas ang Gluta sa July 2 sa streaming platform ng iWantTFC, ktx.ph at VivaMax.