Ella Cruz nagsuot ng pangkontra para hindi saniban ng bad spirit sa syuting ng ‘Biyernes Santo’

Leo Bukas

MAY BANTAY na spiritual advisor si Ella Cruz  habang nagsusyuting siya ng ng horror film na Biyernes Santo. Ito ay para raw magkaroon siya ng guide at hindi saniban ng mga totoong ispiritu sa ginagawang pelikula ng Viva Films na  idinirek ni Pedring Lopez.

“Meron kaming consultant po na healer din. Kinailangan ko po siyang kausapin. Kasi I do all the rituals sa film, then nung sinasabi niya po yon doon ako naiyak, kasi siyempre, doing all the rituals is like waking up or shaking the spirits around kahit na naniniwala ka or hindi.

Ella Cruz nagsuot ng pangkontra para hindi saniban ng bad spirit sa syuting ng 'Biyernes Santo'
Ella Cruz

“So, doon ako natakot na sabi ko kailangan ko ng guide kasi baka mamaya di ba? Usually what happens when you’re doing horror films, kunwari may na-e-exorcist biglang sila din natutuloy. Natatakot ako na ganu’n mangyari sa akin,” kuwento sa amin ni Ella sa ginanap na virtual mediacon ng Biyernes Santo.

May sinusuot din daw siyang mabisang proteksyon para hindi saniban.

Ani Ella, “Good thing kinausap ko po yung   kakilala nila Direk. Nagtanong ako, sabi ko, ‘Paano mas mapoprotektahan?’ Sabi niya, prayers lang talaga. So I have a St. Benedict na pendant na I’m wearing. Makikita ninyo po sa mismong movie suot ko talaga siya. Hindi na pinatanggal sa akin ni Direk.  So, yon talaga yung protection ko.

“And dumating din sa point na bawat eksena talaga na gagawa ng ritual, nagpe-pray talaga ako. Naalala ko nu’ng last time na pinag-prayer ako ni Direk sa morning, umiyak talaga ako sa sobrang takot ko na baka kung ano ang mangyari sa akin.”

Ipinagtataka naman ni Ella na kahit hindi siya fan ng mga horror films ay ganitong klaseng pelikula ang ibinibigay sa kanya ng Viva.

“I never watch a horror film. Hindi ko po talaga kaya. Pero hindi ko alam bakit ang daming binibigay na horror films sa akin ng Viva,” natatawa niyang reaksyon.

Kasama rin sa cast ng horror film na streaming  sa Vivamax simula March 26 sina  Gardo Versoza, Mark Anthony Fernandez, Andrea del Rosario. Introducing naman sa pelikula si Via Ortega.