Ella Cruz, nagkalat sa isang event

Ella Cruz, nagkalat sa isang event

Ella-CruzMARAMING NADISMAYA sa naging performance ng ABS-CBN teen sexy starlet at feeling sikat na si Ella Cruz sa event ng SMAC TV Production na ‘Earth Hour’ na ginanap sa Lapu Lapu, Luneta Grounds, Manila kamakailan. With mala-bathrobe na damit na suot during her number.
Isang performance na nga lang ang ginawa nito eh, hindi pa pinaghusayan. Super dooper nagkalat talaga ito at nagsintunado sa kanyang awiting “Bang Bang” at nagdala pa ng back-up dancers na wala rin sa tonong sumayaw.
Dinig na dinig pa namin ang pagrereklamo ng feeling sikat na ina nito na pagalit na naglitanya ng “Palitan ang mic, palitan ang mic!” Mukhang sinisisi pa ang mikropono at sound system sa pagkasintunado ng kanyang anak. Hahaha!
Samantalang bago siya mag-perform ay nakapag-perform na nang ‘di hamak na mahusay at maganda ang sikat na bandang Silent Sanctuary at ang Dream Dad mainstay at Gawad Kabataan ambassador na si Teejay Marquez at ang Star Magic talent na si Jon Lucas na mga naging maganda rin ang performance.
At maging ang mga SMAC TV Production artists ay nakapag-perform din nang maganda. Kung pinaghandaan lang nito ang kanyang kanta, ‘di sana ito nagsintunado at nagkalat sa naturang show.

Lesson: Always be prepared sa tuwing magkakaroon ng show para hindi napupulaan.

John’s Point
by John Fontanilla