Ella Cruz, nag-inarte sa isang benefit show

Ella Cruz, nag-inarte sa isang benefit show

Ella-CruzNAKAKALOKA ANG kaartehan at pagpi-feeling big star ng ABS-CBN teen sexy starlet na si Ella Cruz at ng ina nito sa katatapos na SMAC TV Productions’ Earth Hour show na ginanap sa Luneta.

Kami mismo ang nakasaksi sa paglobo ng ulo ng mag-inang ito na matagal na naming kilala noong nasa bakuran pa lang ng GMA 7, nu’ng sobra-sobrang bait ng mag-inang ito.
Mukhang ang bilis namang pumasok sa isipan ng mag-inang ito na sikat na sila at puwede nang lumebel sa kasikatan ng mabait at very sweet pa rin na si Kathryn Bernardo, na ang totoo ay kung hindi nagpa-sexy sa Bagito, hindi makikilala nang kapiranggot.

Ang siste, pagdating pa lang sa nasabing venue, nag-strike one na ito sa kaartehan na ayaw pumunta ng dressing room dahil may ibang artists na nandoon. Ang gusto pa yata, magsolo ito at paalisin ang ibang nasa dressing room.
Pangalawa, nang pumunta ito ng backstage at nakitang maraming artists na nasa backstage ay hinatak ng malditang ina nito sa isang sulok dahil marami raw tao.
Pangatlo, nang kukunan ito ng litrato kasama ng ibang artists ay sabay sarcastic na naglitanya ng “Para saan ‘yan!”, at kailangan pang pilitin ng producer para magpa-litrato.

Sana’y magising sa katotohanan ang mag-inang ito na hindi pa big star si Ella para umasta ng animo’y malaking artista.
SMACSMAC TV’s Earth Hour show, libu-libong tao ang nanood

NAGING MATAGUMPAY at dinumog ng libu-libong tao ang Earth Hour show na ginanap last Sunday, March 28, 2015 nang 8:30-9:30 pm sa Lapu-Lapu Luneta Grounds na hatid ng SMAC TV Productions at sa pakikipag tulungan nina
Ms. Elizabeth Espono (Director, National Parks and Development Commitee) , Ms. Shiela Javier (marketing specialist), at nina Ms. Flor and Ms. Gie, at ng Mogu Mogu.
Malakas na tilian ang isinukli ng mga manonood sa bawat performances ng Gawad Kabataan ambassadors na sina Justin Lee at Teejay Marquez, at Gawad Kabataan correspondents na sina Angelica Feliciano, Chester Chua, Prince Teodoro, Greco Gonzalo, at ang iba pang SMAC artists na sina Sky Cornejo na napapanood sa Once Upon Na Kiss ng GMA 7, Rain Calaunan , Sarah Gee, Megan Caguiat na napanood sa Wattpad ng TV5, Erwin John Cadelina, Carla Zara, Cariza Llena, at Grey Capulong, kasama ang SMAC TV Dancers.
Dinumog din ng mga manonood ang naging espesyal na panauhin dito na pawang mga ABS-CBN teen stars na sina Jon Lucas, Ella Cruz, at ang sikat na bandang Silent Sanctuary. Nagsilbing host naman sina Coach Zen at Tam.

 

Joel-CruzJoel Cruz, patuloy ang ginagawang pagtulong

 

BACK TO the country ang very generous at napaka-hardworking na CEO/President ng Aficionado Germany Perfume na si Sir Joel Cruz mula sa kanyang business trip sa Hong Kong.
Kaya naman sa sobrang sipag ni Sir Joel, mas lalo pang umuunlad ang kanyang negosyo na mula sa Aficionado Germany Perfume at Joel Cruz Signatures ay meron na rin itong line ng mga damit.
Tanging mithiin daw ni Sir Joel ang mas mapaunlad pa ang kanyang negosyo nang sa gayon ay mas marami pa ang kanyang matulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho.

John’s Point
by John Fontanilla