Ella Cruz at Kiray Celis, tinapos na ang samaan ng loob

Ella Cruz at Kiray Celis, tinapos na ang samaan ng loob

Ella Cruz at Kiray Celis, tinapos na ang samaan ng loobFriends na pala ulit sina Ella Cruz na bagong member ng Sunday afternoon show na “Happy Truck Happinas” at Kiray. Nagkaroon sila ng konting misunderstanding dahil nabanggit ni Kiray noon sa aming interbyu na mas magaling siyang dancer at mas hataw mag-twerk kumpara kay Ella Cruz.

Kasagsagan noon ng promo ni Kiray for “Love Is Blind” kaya overwhelmed pa siyang magsasagot sa mga tanong. Nang mabasa ni Ella ang interbyu namin kay Kiray, nagtampo ito sa kaibigan.

Sayang at hindi namin nakausap si Ella sa presscon ng “Happy Truck Happinas”. Itatanong sana namin sa kanya kung nakakaramdam ba siya ng insecurity kay Kiray.

Anyway, bukod kay Ella, nasa ‘Happy Truck’ din si Derek Ramsay, Eula Caballero, Mark Neumann, Ogie Alcasid, Janno Gibbs, at marami pang iba. Ang programa ang magiging pantapat nila sa ASAP ng ABS-CBN at PinaSaya ng GMA-7.

Ang tanong, makayanan kaya ng TV5 at Viva na baguhin ang landscape ng afternoon Sunday viewing ng mga tao na sanay na sa panonood ng musical show? Let’s see.

La Boka
by Leo Bukas