Ella Cruz at Julian Trono, magkarelasyon na?

ADVERTISING

Ella Cruz at Julian Trono, magkarelasyon na?

Ella Cruz at Julian Trono, magkarelasyon na?
Ella Cruz and Julian Trono

MATAGAL NA pala magkaibigan sina Ella Cruz at Julian Trono.

 
Noong younger years pa nila sa isang children show sa GMA Kapuso Network ay magkasama na sila kaya naman nang i-partner sila sa isa’t isa ng Viva Films bilang isa sa mga love teams ng kompanya, madali na para sa kanilang dalawa at hindi na sila nagka-ilangan.
 
Sabi nga ni Julian, “We’re friends,” pahayag niya sa grand presscon ng pelikula nilang dalawa yesterday na “Fan Girl Fan Boy” na una first team-up nila sa pelikula na mapapanood na come September 6.
 
Isang kakaibang romcom ang first movie ng dalawa ayon sa description ng TV director si Barry Gonzalez na binigyan naman ng break ng Viva para maging isang fulltime film director.
 
“Maayos sila. May killing nang mag-look test kami,” maikling paglalahad ni Direk Bary sa kung anuman meron ang dalawa.
 
Sa ngayon, wala sa priority nina Ella at Julian na maging sila o maging magkarelasyon.
 
“Not now po,” sabi ng dalaga.
 
Ella Cruz at Julian Trono, magkarelasyon na?
Ella Cruz and Julian Trono with Barry Gonzales
At this time of her career, naka-focus muna siya sa kanyang pagaartista. “Mahirap po pagsabayin,” kuwento ni Ella sa personal tsikahan namin sa kanya after the open forum at ilan sa mga bloggers at media na naimbitahan ay nakaalis na.
 
At si Julian naman, he is not in a hurry: ”Basta po masaya kaming dalawa,” sabi ng binata. “Okey na po muna ito. We’re enjoying each other’s company.
 
Aminado ang dalawa na kahit na mas close silang dalawa ngayon ay regular text mates sila mula sa paggising hanggang sa matulog.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING