Ella Cruz, ipinalit ni Bret Jackson kay Andi Eigenmann

Ella Cruz, ipinalit ni Bret Jackson kay Andi Eigenmann

Bret-Jackson-Ella-CruzMASAYANG IBINALITA ni Ella Cruz na pinayagan siya ng Star Magic na lumabas sa Wattpad Presents: Hot and Cold sa TV5.

“Hindi naman po naging mahirap nang ipahiram ako ng Star Magic sa TV5 para gawin itong Wattpad Presents: Hot and Cold. Matagal ko nang pangarap makagawa ng isang kilig romantic/comedy series. Madalas kasi ay drama ang ginagawa ko sa ABS-CBN,” say ni Ella na ganap nang dalaga sa edad na 18 years old.

Isa pa, kaya raw siya pinayagan ay dahil wala pa naman siyang bagong project pagkatapos ng Bagito. At kae-expire lang daw ng kanyang station contract, pero may kontrata pa rin siya sa Star Magic.

Maganda pa sa Wattpad Presents episode na ipinagkatiwala kay Ella ng Kapatid Network, isang macho at guwapong actor ang kapartner na si Bret Jackson.

Feeling ang haba-haba nga raw ng hair ni Ella dahil si Bret ang kapartner niya na ex-boyfriend ni Andi Eigenmann. Lalo nang makarating sa kanya na tila nagka-crush sa kanya si Bret habang ginagawa nila ang Wattpad Presents: Hot and Cold.

When asked kung sakaling pormahan siya ni Bret, magkaroon kaya ito ng pag-asa?

“Ano bang tanong ‘yan. Hindi pa po kasi ako nagkaka-boyfriend ever since. If ever, baka siya (Bret) ang first, joke! Bata pa po ako at ganoon din si Bret. Siguro good friend muna…” natatawang say ni Ella.

Hindi naman ikinaila ni Ella na noong una ay nakaramdam siya ng pagkailang dahil ‘di pa nga niya kilala nang lubos si Bret. Pero habang nagte-taping ay naging close na silang dalawa.

“Mabilis naman po kaming nagkasundo. Mabait po siya at napaka-gentleman. Una mong mapapansin sa kanya ay ang magaganda at color green na medyo brown niyang mata.

“Tinanong ko nga siya kung totoo ba ang kulay ng kanyang mata? Sagot niya ay oo at nag-iiba-iba ang kulay ng eyes niya depende daw sa kanyang moods. Ang bongga, ‘di ba? Si Bret, depende sa mood ang pag-iba ng kulay ng mata. Ako, depende sa contact lens na ilalagay ko,” natatawang say pa ni Ella.

Maganda ang tandem ng dalawa at may chemistry sila kaya hindi kami magtataka kung mabigyan pa ng second project na magkasama sina Bret at Ella na tawag na ngayon ay Brella.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo