Ella Cruz, inspirasyon sa pag-aartista sina Julia Montes at Kathryn Bernardo

NAPAKABONGGA NG grand presscon ng pinakabagong fantaserye ng ABS-CBN, ang Aryana, na pinagbibidahan ng 2008 Famas Best Child Actress na si Ella Cruz. Excited na sinabi ng batang actress na dream come true para sa kanya ang maging bida sa isang teleserye.

“Bata pa ako, gusto ko nang maging artista. Tapos noong sumisikat na po sina Ate Julia (Montes) at Kathryn (Bernardo), sinabi ko sa sarili ko na balang araw, gusto ko ring magkaroon ng sariling soap,” say ng dating Goin’ Bulilit child star.

Behind the character Aryana is a 15-year old versatile actress who has a lot of merits tucked under her belt. In her 6- years sa movie industry, Ella has portrayed young versions nina Angel Locsin, Cristine Reyes, and Marian Rivera; honed her versatility by portraying various roles in different genres. In 2003, semi-finalist in Eat Bulaga’s Little Ms. Philippines. Eat Bulaga producer (TAPE) cast her in 2004 in the afternoon teleserye Ikaw Sa Puso Ko; 2006, young Angel Locsin in Majika; 2008, young Marian Rivera in Marimar; and in Only You as Angel Locsin’s sister (her first soap in ABS-CBN) plus two MMK appearances. Gumanap din siya bilang young Cristine Reyes sa Dahil Sa Pagibig, and signed up an exclusive Star Magic contract.

Ibinahagi rin ni Ella na ikasisiya ng buong pamilya ang kuwento ni Aryana at ang mga karakter sa kanyang dalawang  mundo – ang mundo ng mga tao at mundo ng mga sirena. Makakapulot din ang viewers ng iba’t ibang aral tungkol sa pamilya, pag-ibig at kalikasan. Ang nasabing fantaserye ay magsisimula na sa Lunes, May 7.

Mahalagang papel din ang ginagampanan ni Pokwang, bilang ina ni Aryana. Madiskarte, masipag at palaban. Hindi sumusuko sa hamon ng buhay. Handang gawin ang lahat para sa kanyang anak.

“Maging sa totoong buhay, ganoon ako kaya naka-relate ako sa istorya kahit fanteserye itong soap namin. Hindi kaila sa inyo ang istorya ng buhay ko dahil open book ito. Wala na yata na hindi ko kakayanin basta sa mga anak ko,” litanya ni Powkie.

Hindi ba naman nahirapang mag-adjust si Pokwang sa mga eksena nila ni Ella? “Magaling na artista si Ella kahit bata pa lang siya. Mabilis ang pick-up at seryoso sa trabaho kapag nasa harap na kami ng kamera. Dinidibdib talaga ‘yung charater niya at pinag-aaralang mabuti. Para nga kaming totoong mag-ina sa set, ‘Nay ang tawag niya sa akin at anak naman ang tawag ko sa kanya. Sobrang close kaming dalawa kaya madali naming nai-emote ang bawat eksena na gusto ni Direk. Basta ako, happy kapag palaging nanay ang magiging papel ko mapa-pelikula man ito o telebisyon,”sabi ng komedyana.

Kilalanin nga natin si Ella. Her full name, Gabriela Annjane U. Cruz. Birthday, August 17, l997. “My zodiac sign po is Leo,” aniya. Her motto in life, “Be an inspiration to every generation.” How do you describe yourself, “Simple and friendly. Dancing and swimming ang hobbies ko. Mahilig ako sa seafoods, sushi at chocolates. Pink and Gold ang favorite kong color. Kapag hindi rin lang ako busy sa taping,  surfing sa internet ang pinagkakaabalahan ko,” dugtong pa niya.

Tinanong din namin si Ella ng personal question kahit bagets pa lang siya. What is crush? “Your inspiration.”

Ano ang love para sa kanya? “Love is God and family.”

First major crush pala niya sina Lee Min Ho at Xian Lim. Naniniwala ba ang child actress sa love at first sight? “Maybe…”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleHeart Evangelista, puring-puri ni Sid Lucero
Next articleKristoffer Martin, Pinababayaan ng Siyete?!

No posts to display