Ella Cruz, dinugo ang labi sa kissing scene nila ni Julian Trono!

ADVERTISING

Ella Cruz, dinugo ang labi sa kissing scene nila ni Julian Trono!

Ella Cruz, dinugo ang labi sa kissing scene nila ni Julian Trono!
Ella Cruz and Julian Trono

PAGKATAPOS ng presscon ng bagong pelikula ng Viva Films na Fan Girl/ Fan Boy na unang tambalan ng bagong love team nina Ella Cruz at Julian Trono,  ang mga kaliwa’t kanang mga publicity na naglalabasan ay ang tungkol sa pagkasugat at pagdugo ng labi ng dalaga sa kissing scene nila ng kapartner.

 
Ibinuking ni Direk Bb. Joyce Bernal (siya ang creative consultant ng pelikula) na ang pelikula nila na isang romcom ay naging “bloody”.
 
Ayon kay Direk Joyce: “Naging madugo dahil sa excitement nila, tumama ang labi ni Ella sa ngipin ni Julian kaya nagdugo na naging dahilan para ma-delay yong kissing scene na kukunan.”
 
Hinintay muna ni Direk Barry Gonzales na huminto ang dugo at humupa ang pamamaga ng labi ni Ella bago itinuloy ang pagkuha ng eksena.
 

Kung titingnan mo sina Ella at Julian ay iisipin mo na may ”romansa” na namamagitan sa kanilang dalawa.

Sa previous column item naming dito sa Pinoy Parazzi, kinumpirma nila pareho na “magkaibigan” lang sila. No commitment, ika nga.
 

Sa tagal ng friendship nila, malamang nahulog na ang loob nila sa isa’t isa. Pero may sagot si Ella sa hinala ng media tungkol sa kanila ni Julian: “Good friends pa rin po kami. Kung may male best friend po ako ngayon, si Julian yun, wala ng iba,” sabi  nito.

Siguro, bago matapos ang promo ng pelikula nila na araw-araw sila magkakasama ay malamang maiiba na ang pahayag ng dalawa.
 

Sa daily activities nila, hindi pa ba sila tuluyang ma-develop nito?

ADVERTISING
Abangan natin. Sa September 6 na ipapalabas ang pelikula ang hopefully ay may positive reply na si Ella sa estado nila ni Julian.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING