Ella Cruz, ‘di raw ‘pabebe’

ADVERTISING

Ella Cruz, ‘di raw ‘pabebe’

Ella-CruzSEEMS LIKE isa sa faves ngayong ng TV5 among our young stars si Ella Cruz na kahit na may ongoing pang Parang Normal Activity (weekly comedy-horror series) directed by Perci Intalan, eh, may new show uli si Ella, ang Wattpad Presents Bebeng Pabebe Meets Super Jiro.

ADVERTISING

This time ay superhero naman ang kanyang leading man in the person of AJ Muhlach, at naka-full costume si AJ nu’ng humarap sa press.

Klik na klik nga sa kabataang fans si Ella, tila nakare-relate sa kanya ang fans niya of her same age bracket, dahil pati ang pag-twerk niya ay umani ng big buzz sa social media, huh!

Natanong si Ella na kung in real life daw ba ay “pabebe” rin siya?

ADVERTISING

“Hindi po,” sagot ni Ella. “Ang pabebe kasi for me ay parang ‘yung autistic, ‘di ba? ‘Yung parang tuliro. Tuliro ba ako? Siguro, in a different way lang!

“Siguro, ‘yung mga gumagawa ng pabebe sa video or Youtube, ang dating sa akin ay baka ito ang trip nila? Siguro, gusto nilang sumikat o magka-viral video. Hayaan na natin sila, if ‘yun ang gusto nilang gawin para sa kanilang dreams.”

As for AJ, puwede ba siyang mag-superhero kay Ella na bago niyang kapartner sa Wattpadd series na ito (na showing this week sa TV5)?

“Pag may bashers si Ella, iko-confort ko siya personally, if okey siya to open up personally. Mag-uusap kami. Hindi ko papatulan ‘yung bashers online.”

Puwede ba siyang ma-in love sa isang pabebe girl?

“Hindi kasi natin masasabi ‘pag dumating na talaga ang love,” say ni AJ.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

ADVERTISING