Ella Cruz, child star pa lang, naikot na ang tatlong TV networks

Ella Cruz, child star pa lang, naikot na ang tatlong TV networks

Ella-CruzWALANG ANUMAN sa 18-year old Kapamilya young actress na si Ella Cruz na bansagang “borrowed artist” ng TV5, dahil siya at si Bret Jackson ang mga bida sa Wattpad Presents: Hot and Cold na magsisimula na ngayong araw na ito, May 18, Monday for a week run.

Happy si Ella sa pagpayag sa kanya ng ABS-CBN Star Magic upang gumawa ng show sa Singko, pero mariin nitong nilinaw na hindi siya mag-o-ober da bakod sa TV5, dahil masaya pa rin siya sa Dos.

Ang last series nga ni Ella sa Dos ay ang Bagito, at nakakatuwa si Ella sa Wattpad presscon sa pag-amin niyang child star pa lang siya ay inikot na niya ang tatlong major networks from being an extra.

“Borrowed artist ang po ako rito sa TV5. Puwede naman po ako na ganito lang muna. At least nakararaket kahit saan,” say ni Ella.

Iniintriga rin si Ella na tila “nagka-develop-an” sila on the set ng guwapong leading man niyang si Bret Jackson, at kitang-kita raw ang chemistry ng dalawa sa screen.

Romantic comedy nga kasi ang tema ng said Wattpad show, kaya may “kilig” factor. So, if ever ba, type ba niyang may onscreen partner like si Bret nga?

“Kahit na kanino naman, mas prefer ko na parang ako lang, kahit kanino lang mai-pair, may chemistry o wala o mag-work out,” say ni Ella.

Tawa lang naman nang tawa si Bret sa intrigang kahit na raw nag-cut na ang director nila on the set ay patuloy pa rin ang sweetness nila ni Ella.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro