Ejay Falcon, pinalayas sa nirererentahang condo?

ADVERTISING

Ejay Falcon, pinalayas sa nirererentahang condo?

Ejay-FalconSINAGOT NI Ejay Falcon ang bagong isyu na diumano’y pinalalayas  siya sa condominium unit na nirerentahan niya sa Proj. 8, Quezon City. In a phone call, ipinaliwanag sa amin ng binata na walang katotohanan ang naturang balita.

“Unang-una po, hindi ako nakatira sa condo. ‘YunG dating tinitirhan ko sa Project 8 (Quezon City), hindi naman ’yon condo. Apartment po ’yon, P12,000 ang renta ko ro’n at kayang-kaya ko naman pong bayaran ‘yon kasi may mga trabaho naman ako, at endorsements,” paliwanag pa niya.

Matagal din daw siyang tumira sa Quezon City, pero ngayon ay nasa Taytay, Rizal na siya.

“Six months na akong wala sa apartment. Do’n na ako sa Taytay umuuwi. Nakakuha po ako ng bahay na hulugan, pero hindi pa kompleto ‘yung gamit ko,” kuwento pa niya.

ADVERTISING

Four bed room ang bagong bahay ni Ejay sa Taytay at ayon pa sa kanya, same village sila nina Alex at Toni Gonzaga.

Nasa Cavite si Ejay nang tumawag siya sa amin para sa taping ng Maalaala Mo Kaya. Tungkol daw sa survivor ng Yolanda na nanalanta sa Tacloban ang episode na ginagawa niya na ipalalabas naman sa Sabado, Nov. 15.

Balik-taping na rin ang binata sa Martes, (Nov. 11) para sa Pasion de Amor kung saan makakapareha niya ang seksing si Ellen Adarna.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING