Ejay Falcon, pinainom ng suka para makaarte nang tama – Ogie Alcasid

ADVERTISING

Ejay Falcon, pinainom ng suka para makaarte nang tama - Ogie Alcasid

Ejay Falcon, pinainom ng suka para makaarte nang tama - Ogie AlcasidME NAG-E-MAIL Sa amin, si Candy Cruz (candycruz2000@yahoo.com).

ADVERTISING

Tsika niya:  “Hi ogie! Gusto ko lang i-share sa ‘yo ito na na-witness ko talaga. Kasi sa place namin nagte-taping ang Katorse. ‘Yung isa sa lead actors du’n, si Ejay Falcon, sobrang hindi pala marunong umarte dahil paulit-ulit na ‘yung scene, hindi niya makuha.  As in 30 takes na yata.

“Ang eksena, sasabihan niya si Enchong Dee ng congratulations, pero dapat daw ay medyo bitter ang pagkasabi, ‘yun ang instructions ng director.

“Paulit-ulit ‘yung take, grabe, napakabobo umarte nitong si Ejay, hindi niya makuha ‘yung simpleng instructions at nangangawit na lahat.

ADVERTISING

“Siguro sa sobrang dami na ng takes, sa sobra sigurong inis ng director, pinakuha ng suka ‘yung assistant niya, tapos, sabi, “painumin nga ng suka ‘yan para makaarte nang tama.”

“Ayun, pinainom nga ng suka, at nu’ng nakainom na, nai-deliver niya na  ‘yung hinihingi sa eksena. Nagtataka tuloy ako kumbakit ginawang leading man agad ‘yun,  eh, hindi naman pala marunong umarte.  Dapat ang role niya, best friend muna or sidekick para nahasa muna bago isinabak sa leading man status. ‘Yun lang!”

IN-E-MAIL LANG ITO.  Hindi namin alam kung ito’y totoo o gawa-gawa lamang ng detractors ni Ejay.  Alam naming ang dami nang kuwento ng mga “kapalpakan” sa eksena ni Ejay, pero in fairness, kumpara noon, medyo nag-improve naman ang lolo n’yo ngayon.

Pero kung ito man ay totoong nangyari, ‘wag sanang ma-hurt si Ejay, bagkus ma-challenge pa siya nang bonggang-bongga para lalo pa siyang humusay.

Ang pangit ‘pag kinabitan ka na ng stigma ng pagiging “ham actor.”

Ayaw ni C.A. nang ganyang title.

PINALITAN NA BILANG bida ng  Tinik Sa Dibdib si Sunshine Dizon, dahil nade-delay at nagkakawindang-windang daw ang taping, dahil sa kanyang pagiging masasakitin at kung anu-anong alibi na dumating pa sa puntong nag-aaway na sila ng madir niyang si Dorothy Laforteza.

Nu’ng Tuesday night ay nakita pa namin siya sa 17th Avenue Bar sa North Walk sa San Fernando, Pampanga.  Nandu’n kami, dahil malapit lang du’n ang taping ng May Bukas Pa.

Si Sunshine, sabi niya, nandu’n daw siya, dahil gusto niya munang magbakasyon, masyado raw kasi siyang napagod sa kasasagot ng intriga at maging sila raw ng ina niya ay pinag-aaway when in fact, alam pa ng nanay niya kung nasaan siya nang sandaling ‘yon.

“Sila ‘yung mga totoo kong kaibigan.  Sabi ko sa mommy ko, dito muna ‘ko pansamantala para makapagpahinga ako.  Anuman ang nangyari sa Tinik Sa Dibdib, no regrets ako.  Talagang ganyan, eh.

“Napagod na rin kasi ako sa kate-teyping ng 40 sequences everyday.  Kung minsan, sumusuko na ‘ko, kaso, kailangang tapusin, eh.  I’m working for 20 hours, eh, parang hindi na tama.

“Saka ko na naman lahat, eh.  Hindi naman sa pag-aano, na-reach ko na ang gusto kong marating.  Siguro, bumigay na lang ang katawan ko.  And right now, I’m here with my real friends na sobrang ine-enjoy ko.”

Buntis ba siya?

“No, I’m not.  I don’t need to explain!”

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING