Ejay Falcon, nanghiyang sa naudlot na pagtatambal nila ni Cristine Reyes

ADVERTISING

Ejay Falcon, nanghiyang sa naudlot na pagtatambal nila ni Cristine Reyes

Ejay-FalconMASAYANG-MASAYA SI Ejay Falcon sa pagkakapanalo ni Valerie Weigmann bilang bagong Miss World Philippines. Nag-post pa si Ejay sa kanyang Instagram account congratulating Valerie. “I’m very proud of you,” part ng kanyang ipinost.

Si Valerie ay naging kasamahan ni Ejay sa Pinoy Big Brother Teen Edition few years ago. Naging magka-loveteam din sila pero hindi gaanong nag-succeed ang tambalan kaya nag-focus na lang ang dalaga sa paggawa ng commercial at si Ejay naman sa paggawa ng mga teleserye.

Nasa cast si Ejay ng Passion de Amor na hindi pa alam kung kailan mag-i-air, pero nagsimula na silang mag-taping. Kasama niya rito sina Ellen Adarna, Jake Cuenca, Joseph Marco at Arci Muñoz na isa na ring Kapamilya.

Si Cristine Reyes sana ang makakatambal ni Ejay sa teleserye kaya lang nag-backout ang dalaga few days after nilang mag-look test. Si Ellen Adarna ang ipinalit ng Dos kay Cristine.

ADVERTISING

Bagama’t may panghihinayang si Ejay na hindi na niya makakapareha ang dalaga, nilu-look forward naman daw niya ang makatrabaho ang equally sexy actress din na si Ellen.

“Okey naman sa akin kahit sinong makapareha ko. Hindi naman ako choosy. Malay natin, sa ibang projects ay magkatrabaho rin kami ni Cristine,” sambit pa niya.

Bukod sa bagong teleserye, bida rin si Ejay sa pelikulang Homeless ng BG Production na malapit na ring ipalabas. Kasama niya sa movie sina Snooky Serna, Hayden Kho at Martin del Rosario.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING