Ejay Falcon, nakahanap ng mga kapatid sa katauhan nina Jake Cuenca at Joseph Marco

ADVERTISING

Ejay Falcon, nakahanap ng mga kapatid sa katauhan nina Jake Cuenca at Joseph Marco

Ejay Falcon, nakahanap ng mga kapatid sa katauhan nina Jake Cuenca at Joseph MarcoOne month na lang ang itatagal sa ere ng “Pasion de Amor” at matatapos na ito sa Feb. 27. Kapag naiisip ng cast na binubuo nina Jake Cuenca, Ejay Falcon, Ellen Adarna, Joseph Marco, Coleen Garcia, at Arci Muñoz na mag-i-end na ang kanilang TV series, hindi nila maiwasang malungkot.

ADVERTISING

Sa almost one year daw na pagsasama nila sa taping, matinding bonding na ang nabuo. Sigurado raw na iiyak silang lahat sa kanilang last taping day.

Ayon pa nga kay Ejay Falcon, Joseph, at Jake, may nabuo silang tatlo na brotherhood o kapatiran dahil sa Pasion de Amor. Kahit daw tapos na ang taping at pauwi na sila, madalas pa rin silang magkulitan at magkumustahan sa kanilang Viber group.

Wow, may bromance, kumbaga!

ADVERTISING

Sey pa ni Ejay, nakatagpo siya ng totoong kapatid sa katauhan nina Joseph at Jake at umaasa siya na kahit tapos na ang teleserye ay hindi pa rin mawawala ang kanilang closeness sa isa’t isa.

“Gusto ko na kahit hindi na kami magkakasama sa teleserye ay nagkikita-kita pa rin kami at nagkakasama. Para ko na talaga silang mga kapatid at napakasaya ko na nakilala ko ‘yung tunay na ugali nina Jake at Joseph,” sambit pa ng aktor.

Kasama rin nga pala sa “Pasion de Amor” bilang kontrabida sina Wendell Ramos at Teresa Loyzaga. Si Eric Quizon ang isa sa mga direktor ng late afternoon series na napanonood sa ABS-CBN.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING