Ejay Falcon, marunong tumanaw ng utang na loob

ADVERTISING

Ejay Falcon, marunong tumanaw ng utang na loob

Ejay-FalconANG KOMPANYA ng New Placenta (Psalmstre) owned by my schoolmate sa PUP na si Jaime Acosta ang unang nagtiwala kay Ejay Falcon para gawin itong endorser after niyang lumabas sa PBB house. Kaya naman pay it forward ang drama ngayon ng aktor.

ADVERTISING

“Sa Olive-C ako kinuha dati ni Sir Jim, pang-teens na sabon ‘yon. Si Sir Jim ang unang nagtiwala sa akin kaya binabalik ko lang po sa kanya ngayon ‘yung ginawa niya sa akin noon. Ngayon po, I’m endorsing New Placenta For Men, hindi na pambagets, kasi mama na ako,” sey ni Ejay.

Hindi naman sinagot ni Ejay kung magkano na ang TF niya ngayon as endorser. Ngumiti lang ito sabay sabing “Hindi naman po lahat puro pera na lang.”

Ayon naman kay Jim, si Ejay talaga ang kusang kumausap sa kanya tungkol sa endorsement. “Ang bait talaga ni Ejay na kahit sikat na sikat ang series nilang Pasion de Amor sa ABS-CBN, siya pa ‘yung nagsabi na gusto niyang bumalik at maging endorser ulit ng produkto ko.”

ADVERTISING

Ayaw ring sagutin ni Jim ang tungkol sa talent fee ni Ejay na sa tingin namin ay mataas na dahil sikat na sikat ang aktor ngayon because of Pasion de Amor and I Heart Kuryente Kid.

“Basta sapat lang,” matipid niyag reaksyon.

Nakatutuwa na ang mga katulad ni Ejay ay marunong lumingon sa kanilang pinanggalingan. ‘Yung iba kasi, dedma at wala nang pakialam sa pinagmulan nila once naging sikat.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING