Ejay Falcon, iniwan sa ere ni Ellen Adarna sa Star Magic Ball?

ADVERTISING

Ejay Falcon, iniwan sa ere ni Ellen Adarna sa Star Magic Ball?

Ejay-FalconSI ELLEN Adarna ang ka-date ni Ejay Falcon sa nakaraang Star Magic Ball sa Shangri-La Hotel sa Makati. Hindi na part ng promo para sa afternoon series na Pasion de Amor na ngayon ay nasa book 2 na ang pagdi-date ng dalawa.

ADVERTISING

Kaya lang, parang naging kawawa naman si Ejay kay Ellen. Napabalita kasi ang ginawang pag-iwan ng sexy star kay Ejay sa party after nitong maging tipsy.

Ayon sa source, sweet dumating sina Ellen at Ejay habang naglalakad sa red carpet. But after that, nu’ng nagsimula na ang party, si Paulo Avelino na ang katabi nito.

May nakakita pa nga na magka-holding hands sina Ellen at Paulo. Naku, naman!

ADVERTISING

Anyway, kahit pa ganu’n ang nangyari, ipinagtanggol pa rin ni Ejay ang ka-loveteam niya sa Pasion de Amor.

Sey nito sa kanyang Instagram account: “Please don’t judge her. She’s an amazing date. Nag-enjoy ako kasama siya. Wala rin namang problema na makipag-usap siya sa mga malapit niya ring kaibigan. Party naman ‘yon, so natural lang na mag-interact sa iba’t ibang tao. Happy at thankful pa rin ako na pumayag siyang maging date ko. I wouldn’t change a thing.”

Very gentleman indeed!

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING