Ejay Falcon, hangang-hanga sa acting ni Coco Martin

Ejay Falcon, hangang-hanga sa acting ni Coco Martin

Coco-Martin-Ejay-FalconMALAKING BAGAY para kay Ejay Falcon na nakatrabaho si Coco Martin sa two-part episode ng Maalaala Mo Kaya na mapapanood sa Sabado (April 25 at sa May 2). Istorya tungkol sa Mamasapano massacre at ng mga sundalong nagbuwis ng buhay sa naturang engkuwentro ang naturang MMK episode.

“Pambihirang pagkakataon na makatrabaho ko ang isang Coco Martin, kaya malaking karangalan sa akin na mapasama sa espesyal na episode na ‘yon ng MMK. Hindi ako na-intimidate na katrabaho siya. Kasi kahit Coco Martin na siya, very approachable siya at napaka-humble,” kuwento ni Ejay sa amin.

Ayon pa kay Ejay, inoobserbahan niya ang acting ni Coco habang nagti-taping sila. “Ibang klase siya. Matutulala ka ‘pag pinanood mo siya kung paano umarte sa mga eksena. Napakagaling ni Coco,” papuri pa niya sa aktor.

Kasama nina Ejay at Coco sa MMK si Angel Locsin.

Samantala, kasalukuyang nagti-taping si Ejay ng Pasion de Amor na hindi pa alam kung kailan ipalalabas.

“Basta abangan na lang nila. Malapit na rin yung Pasion de Amor,” hirit pa ni Ejay.

La Boka
by Leo Bukas