Edward Mendez, handang magka-GF na mas bata sa kanya

Edward Mendez, handang magka-GF na mas bata sa kanya

Edward-Mendez


HINDI RAW
malabong ma-in love sa mas bata sa kanya ang hunk actor at isa sa iniilusyon ng mga kababaihan at kabadingan na si Edward Mendez, dahil naniniwala ito na pagdating sa pag-ibig, walang bata o matanda, basta nagmamahalan.

Katulad na lang sa role na ginagampanan nito sa TV5’s Wattpad Presents: Said I Loved You, kung saan na-in love sa mas bata na ginagampanan ni Marvelous Alejo at magsisimulang mapanood ngayong June 29 hangang July 3, 9 pm.
Very thankful nga raw si Edward dahil sa pangalawang pagkakataon ay muli siyang pinagbida ng TV5 sa WattPad, kung saan sa kanyang unang Wattpad ay nakatambal niya rito ang TV5 prime artist na si Rich Azul.

John’s Point
by John Fontanilla