Edward Benosa, panahon nang makilala ang kanyang musika

Edward-BenosaINTRODUCING, EDWARD Benosa. Marami nang sinalihang kontes na may kinalaman sa kanyang hilig sa pagkanta ang sumisikat na baguhang singer na mas kilala ngayon bilang Romantic Balladeer, na inamin din niyang hindi siya masyadong sinuwerte sa mga unang pagtatangka niya na mapansin siya sa pamamagitan ng kanyang boses. Pinanininiwalaan din niya na may panahon sa bawat bagay at mga pangyayari sa buhay ng tao, ganu’n din sa talento.

Nakikilala na si Edward, dahil masarap sa pandinig ang kanyang kantang “‘Di Man Lang Nagpaalam” na talagang ang lyrics ay puro hugot mula sa puso. Sa katuparan ng kanyang mga pangarap, masasabing ito na nga ang tamang panahon para sa baguhang singer. Bukod sa maganda ang timbre ng kanyang boses, maamo rin ang kanyang sex appeal na tipong masarap siyang mahalin dahil kakaiba ang kanyang galaw kapag siya ay nagpe-perform na sa stage.

Malakas ang sex appeal ni Edward, dahil Tisoy siya na maganda ang pares ng mga mata na parang nangungusap sa ‘yo habang siya ay kumakanta. Napaka-flawless niya at maganda rin ang katawan, kaya naman may kasamang pantasya ang kanyang mga tagahanga. Mayroon din siyang music video, at maamo ang kamera sa kanyang hitsura. Kaya hindi siya para sa kanta lang. Pampelikula din ang kanyang hitsura, dahil marunong siyang umarte. Pero sa music lang daw muna siya magko-concentrate sa ngayon.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Previous articleKim Rodriguez, napahagulgol ng iyak nang dumating ang ina sa birthday celebration
Next articleMar Roxas at Korina Sanchez, ginamit ang mga beki?

No posts to display