Edu Manzano, sinisisi sa pagkakasuspinde ni Ronnie Ricketts bilang OMB Chair

ADVERTISING

Edu Manzano, sinisisi sa pagkakasuspinde ni Ronnie Ricketts bilang OMB Chair

Ronnie-Ricketts-Edu-ManzanoIKINAGULAT NI Edu Manzano na siya raw ang dahilan kaya nasuspinde si Ronnie Ricketts bilang OMB Chairman.

ADVERTISING

Ayon pa kay Edu, dahil siya raw ang sinisisi sa pagkakasuspinde kay Ronnie at sa iba pa nitong tauhan sa OMB, dinagsa na siya ng death threat.

Sa Twitter account ni Edu, ibinahagi nito ang text message ng nagbabanta sa kanyang buhay. Sa bahagi ng text, nakasaad na: “Hoy, Manzano! Alam namin na ikaw nagsabi kay Ombusman na ipitin at suspend si Chairman Ronnie, may araw ka rin gago! Humanda ka riyan puwera takas!”

Hindi naman daw natinag si Edu at sinagot nito ang nag-text. Sinabi raw ni Edu sa nagbabanta na matagal na siyang handa at hinihintay niya ang mga ito.

ADVERTISING

Pinagdiinan ni Edu na wala siyang kinalaman sa suspension ni Ronnie.

“Wala akong kinalaman sa suspension, sariling kalokohan at kasuwapangan ninyo kaya kayo sumabit,” sagot ni Edu.

Ang kampo raw diumano ni Ricketts ang may pakana ng death threat. Ayon pa kay Edu, wala na siyang koneksyon sa OMB magmula nang mag-resign siya bilang chairman nito noong 2009.

Sa Twitter din ni Edu, ipinakita nito ang patunay na diumano ay matagal nang expired ang termino ni Ronnie as OMB Chairman at holdover capacity na lang daw ito ngayon. Sa dokumentong inilabas ni Edu, isinasaad na noong pa March 2013 expired ang termino ni Ronnie.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING