Edu Manzano at Ronnie Ricketts, lumalala na ng hidwaan

ADVERTISING

Edu Manzano at Ronnie Ricketts, lumalala na ng hidwaan

Edu-Manzano-Ronnie-RickettsPARANG LUMALALA na itong hidwaan nina Edu Manzano at Ronnie Ricketts, ha?

Pagkatapos napag-usapan ang tungkol sa suspension ni Ronnie bilang OMB Chairman, naglabas si Edu ng mga natatanggap niyang text messages na may pagbabanta sa kanyang buhay.

Tumanggi munang magpa-interview si Ronnie tungkol diyan, pero si Edu ay nakausap ng Startalk via phone patch habang nagbabakasyon ito sa Amerika.

Nilinaw niyang wala siyang kinalaman sa pagkasuspinde ni Ronnie. Pero sinabi niyang dapat na bumaba na raw ito sa puwesto niya bilang OMB Chairman.

ADVERTISING

Dapat daw ay noon pa siya nag-resign dahil over-staying na raw ito.

Kinlaro rin ni Edu na wala siyang balak na pumalit sa puwestong ‘yun. Sinasabi lang daw niya ang tinging niyang tama at nararapat.

Ewan ko kung patuloy pa rin ang pagtanggap niya ng mga death threat na ang pinagbibintangan niyang nagpapadala nito sa kanya, ang mga tao raw ni Ronnie.

Hindi pa nagsalita si Ronnie tungkol diyan, pero magsasalita naman daw siya sa tamang panahon.

Kaya lang, sana huwag nang lumaki pa, dahil ang isyu lang naman dito ay ang suspension ni Ronnie, hindi ang away nila ni Edu.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING