Edu Manzano at KC Concepcion, magho-host sa coronation night ng Miss Manila 2016

ADVERTISING

Edu Manzano at KC Concepcion, magho-host sa coronation night ng Miss Manila 2016

KC Concepcion and Edu Manzano
KC Concepcion and Edu Manzano

Rumampa sa poolside ng Diamond Hotel ang 33 Miss Manila 2016 candidates para sa kanilang press presentation. Ang Miss Manila ay yearly event sa Lungsod ng Maynila at ang MARE Foundation ni Jackie Estrada ang beneficiary ng event.

Present during the press presentation si Manila Mayor Joseph Estrada at si Boss Vic del Rosario ng Viva. Bongga ang magiging premyo ng winner this year, dahil bukod sa P500,000 na iuuwi niya, magkakaroon din siya ng kontrata sa Viva.

Gaganapin ang coronation night ng Miss Manila sa June 24 sa PICC ganap na 7 p.m. Magkakaroon ito ng delayed telecast sa TV5. Sina Edu Manzano at KC Concepcion ang magho-host ng event.

May matatangkad at bansot na candidates kaming nakita nang rumampa sila sa harap namin. May tipong artistahin din, pero ang medyo naintriga kami ay sa nalaman naming na may isang tomboy na kandidata ngayon sa Miss Manila. Ayaw namang i-reveal sa amin ang name ng naturang candidate.

ADVERTISING

Teka, buti sana’y magsuot ng high heels ang tibong candidate na ito. Hindi kaya ang purpose niya sa pagsali sa Miss Manila ay para makabingwit ng girlfriend? Hahaha! Joke lang.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING